Kasabay ng papalapit na ika-29 na Olympic Games, para likhain ang mas mabuting resulta, aktibo sa preparasyon ang lahat ng mga manlalaro sa iba't ibang bansa. Para ipatupad ang pangarap sa Olimpiyada, mahigpit na nagsasanay din ang mga manlalaro ng Kambodya.
"Ako si Hem Thon Ponleu, aktibo ako sa paghahanda para sa Beijing Olympic Games!"
"Ako naman si Hem Thom Vicheny, dapat ibayo pang magsikap ako para lumahok sa Beijing Olympic Games!"
"Ang pinakamalaking pangarap nami ay pagtamo ng pinakamabuting resulta para sa aming bansa!"
Ang nabanggit na tatlo ay lahat galing sa iisang pamilya ng Kambodya. 18 taong gulang na si Hem Thon Ponleu, 16 taong gulang na si Hem Thon Vicheny at ang kanilang tagasanay na si Hem Thon. Sina Ponleu at Vicheny ay mga manlalaro na magkahiwalay na lalahok sa men's and women's 50 meter freestyle events ng Beijing Olympic Games.
Ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Hem Thon ay mga manlalangoy. Si Hem Thon ay nagsimula ng kanyang karera sa paglalangoy mula noong 1957 at sa ilalim ng kanyang impluwensya, ang lahat niyang 4 na anak ang mahusay sa paglalangoy. Sa kanila, ang 2 anak na lalaki ang lumahok sa Atlanta, Sydney at Athens Olympic Games at ang kanyang anak na babae ay lumahok naman sa Atlanta at Sydney Olympic Games. Ngayon, ang bunso niyang lalaki at apong babae ay lalahok sa Beijing Olympic Games.
"Ang lahat ng aking pamilya ay mahilig sa paglalangoy at ang paglahok sa Olympic Game ay isang karangalan para sa buong pamilya. Magsisikap kami para sa aming bansa at matatamo ang pinakamabuting resulta."
Bawat araw, nagsasanay sa stadium ng Olimpiyada ng Phnom Penh ang dalawang maliit na manlalaro pagkatapos ng pag-aaral.
Ang paglahok sa Beijing Olympic Games at pagpapatingkad ng kanilang pinakamabuting lebel ay pangako ng dalawang manlalaro. Dumating sa Beijing naman ang tagasanay na si Hem Thon para ipatupad ang kanyang pangako ---maghanap siya ng kanyang sariling tagasanay na Tsino.
Noong ika-6 na dekada ng ika-20 siglo, ipinadala ng Tsina ang mga tagasanay ng paglalangoy sa Kambodya para tumulong sa paghubog ng mga manlalaro ng Kambodya. Sa panahong iyon, sa pamamatnubay ng tagasanay na Tsinong si Zhang Tianhui, si Hem Thon ang nagsasanay sa paglalangoy. At ang impluwensiya ni Ginoong Zhang sa kaniya ay nananatili nang habambuhay sa kaniyang isip. Sinabi niyang:
"Sa ilalim ng pagtuturo ni Ginoong Zhang, napagtanto ko ang diwa ng paglalangoy at naging mahilig sa paglalangoy. At ganyan rin ko tinuturuan ang aking mga anak. Pinabubuti ng paglalangoy ang katawan at pinalalakas ang kalooban. At kung matatamo ang medalya, magpaparangal ng bansa."
Para sa dangal na ito, nagsisikap si Hem Thon nang 50 taon. Pagkatapos ng maraming taong digmaan, nasa kahirapan ang Kambodya. Dahil atrasado ang kabuhayan ng bansa, limitado ang paglaan sa paligsahan. Ngunit, sa kaisipan ni Hem Thon, hindi niya itinitigil ang pagsisikap. Sinabi niyang:
"Kumpara sa ilang bansa, atrasado ang kalagayang materyal at lebel ng pagsasanay ng aming bansa, ngunit walang diperensiya sa kanila ang pagmamahal naming. Ang pagdaraos ng Beijing Olympic Games ng Tsina ay nagsisilbing karangalan ng buong Asya at tiyak na lilikha kami ng pinakamabuting rekord sa Beijing."
Ang 4 na manlalaro at 2 tagasanay ay lalahok sa Beijing Olympic Games. Para pasiglahin sila, bukod sa mga sustento mula sa Cambodian Olympic Committee, natamo ng mga manlalaro at tagasanay ang sustento mula kay Thong Khon, tagapangulo ng Cambodian Olympic Committee. Hinggil dito, sinabi ni Ginoong Thong Khon na:
"Gusto kong pasiglahin ang mga batang ito at tumulong sa kanila. Kumpara sa nakaraan, natamo namin ang malaking pag-unlad. Itinatag namin ang 18 samahan ng paligsahan at sa ilalim ng mga ito, itinatag din namin ang mga club. Pinili ang mga manlalaro sa pamamagitan ng mga aktibidad ng mga club at dahil dito, patuloy na tumataas ang lebel ng mga manlalaro. Bukod dito, humiling kami ng tulong sa pandaigdigang samahan ng paligsahan para mapataas ang lebel ng paligsahan ng bansa."
|