Ilang araw na ang nakararaan, sa paligsahan ng talumpati sa wikang Tsino na idinaos sa China Radio Internetional, pinag-ukulan ng pansin ang isang dalaga mula sa Myanmar ang nakatawag ng pansin ng mga tao. Siya ay isang boluntaryo ng Olympiyada at ang pangalan niya ay Hnin Hnin Aye, 25 taong gulang. Sa kaniyang talumpati, sinabi niyang, "Ang Olympic Games ay isang malaking tanghalan. Ako ay isang maliit na artista mula sa Myammar, ang pagtatanghal ko ay hindi sa loob ng lugar ng paligsahan, pero, tiyak na mahusay ang aking pagtatanghal; Ang Olympic Games ay isang malaking bangkete, mag-aalok ako, kasama ng iba pang mga boluntaryo, ng isang pinakamalinamnam na ulam ng Olympiyada sa lahat.
Isinilang si Hnin Hnin Aye sa Myanmar, ang kaniyang ama ay galing sa Lalawigang Yunnan ng Tsina. Henyo siya sa languwahe, kaya, pumasok siya sa Capital Normal University sa Beijing ng Tsina. Aktibo siya sa paglahok sa iba't ibang panlipunang aktibidad, mahigit isang taon na ang nakararaan nang mag-aral siya sa ikalawang bailing, nabatid niyang nangangalap ang Tsina ng boluntaryo para sa Beijing Olympic Games, hindi nag-atubili siya't agad sa internet.
Nguni't, hindi madali para maging isang boluntaryo ng Olympiyada, dapat makaranas sa maraming pagsubok. 10 buwan na ang nakararaan, sapul nang magpatala si Hnin Hnin Aye, wala siyang natanggap ang impormasyon ukol sa resulta. Pero, sa sandaling nang halos ganap na niyang nakalimutan ang bagay na ito, tinanggap niya ang patalastas ukol sa pagharap sa biglang interbyu. Sinabi niyang:
"Masayang masaya ako nang matanggap ang patalastas ukol sa paghaharap sa interbyu. Nguni't, nang andyan na ako sa lugar ng pagsusulit, gayon na lamang ang bilis ng tibok ng puso na baka hindi ako makapasa sa pagsusulit dahil kay rami ng mga dayuhan ang nakapagsasalita ng matatas na wikang Tsino.
Pero, ilang araw ang nakararaan, nagpaalam ang paaralan sa banyan na pinili siya bilang boluntaryo. Narealisa ang pangarap ni Hnin Hnin Aye , ikinasisiya niya ito't nila ng kaniyang kakuwarto mula sa Porland na ipinili ring bilang boluntaryo. Nguni't, nang alam niyang ipapadala siya sa sentro ng pagbibigay-payo sa telepono, may kaunti siyang panghinayang:
"Pagsabi nang prangko, nanghihinayang akong kaunti. Ang gawaing ko ay pagtanggap lamang ng tawag sa telepono sa loob ng silid, walang pagkakataong makita ang mga atleta o masdan ang mga paligsahan. Pero, anumang gawain dito ay para paglingkuran ang Olympic Games, kaya buong taimtim na gawin ito."
Si Hnin Hnin Aye ay naging isa sa mga boluntaryo ng Olympiyada at naging naman isa sa 1500 tagapayo sa 14 na wika. Upang
Magbigay ng propesyonal at mabuting serbisyo sa Olympic Games, dapat tanggapin nila ang espesiyal na pagsasanay ng Beijing Olympic Committee. Halimbawa, dapat malamang mabuti ang hinggil sa iba't ibang lugar ng paligsahan ng Olympiyada: saan ang pusukan at labasan ng mga venue, pagbibigay ng iba't ibang impormasyon sa mga manonood at iba pa, pagkaraan ng pagsasanay dapat pa makapasa sa at saka maaaring maging isang kuwalipikadong boluntaryo.
Sinabi niyang:
"Kinakailangan ako ng gawain dito, ang pagiging boluntaryo ay nangangahulugang lumahok sa Olympic Games at ang paglahok ay pinakamalaking pagkatig sa Olympic Games. Idaos ang Olympic Games bawat 4 taon, ang pagiging isang boluntaryo ng Olympiyada ay mapalad para sa isang tao at ang gayong pagkakataon ay posibleng wala na para sa aking sa buong buhay."
|