• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-31 18:41:44    
Beijing, sinimulan ang komprehensibong serbisyong medikal para sa Olimpiyada

CRI

Kasabay na papalapit na Olimpiyada ng Beijing, malawakang sinusubaybayan ng iba't ibang panig ang isyung may kinalaman sa preparasyong medikal ng Olimpiyada sa Beijing. Ipinahayag ngayong araw ng BOC, lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Committee at departamentong pangkalusugan ng Beijing na ganap na sinimulan ng Beijing ang sistema ng serbisyong medikal sa panahon ng Olimpiyada. Sa panahong iyon, magbibigay ang Beijing ng mabilis at maligtas na serbisyong medikal sa mga atleta at manonood na galing sa iba't ibang bansa.

Sa isang news briefing na idinaos ngayong araw sa information center ng Olimpiyada sa Beijing, ipinahayag ni Madam Deng Xiaohong, pangalawang puno ng kawanihang pangkalusugan ng Beijing na nagbibigay ang Beijing ng komprehensibong serbisyong medikal sa Olimpiyada sa pamamagitan ng pagbuo ng pangkagipitang sistemang medikal, pagpapataas ng kakayahan sa pagpigil sa epidemiya, pagpapalakas ng pagsusuperbisa sa kalusugang pampubliko at iba pa.

Inilahad ng opisyal ng BOC na ang sistemang medikal ng Olimpiyada sa Beijing ay sasaklaw ng lahat ng mga pasilidad ng Beijing at mga co-host city ng Olimpiyada na binubuo ng mahigit 220 medical station, ilang daang ambulance at mahigit 3000 boluntaryong medikal, nang sa gayo'y magbibigay ito ng pangkagipitang serbisyong medikal.

Samantala, may komprehensibong ospital sa Olympic Village at 600 medical workers ang magkakaloob ng komprehensibong serbisyong medikal sa mga atleta, tagasanay, opisyal, mamamahayag at boluntaryo.

Nasiyahan sa serbisyo at kasangkapang medikal na ibinigay ng Olimpiyada sa Beijing ang mga doktor ng mga delegasyong pampalakasan ng mga bansang dayuhan na maagang dumating ng Beijing. Nang kapanayamin siya ng mga mamamahayag ng CRI, lubos na hinahangaan ni Peter Baquie, namamahalang tauhan ng mga gawaing medikal sa delegasyong pampalakasan ng Australia, ang serbisyong medikal ng Olimpiyada sa Beijing, lalo na ang ospital sa Olympic Village. Sinabi niyang magaling ang ospital at maunlad ang mga kasangkapang medikal na gaya ng X Rays, CT at iba pa.

Ipinahayag din sa preskon ng opisyal ng BOC na bukod sa mga atleta, bibigyan din ng Beijing ng serbisyong medikal ang mga manonood na galing sa loob at labas ng Tsina at libre ang serbisyong ito.

Ayon pa sa ulat, ang lahat ng mga Olympic medical station sa Beijing at mga co-host city ng Olimpiyada ay pumasok na games time situation para makapagkaloob ng 24 oras na serbisyong medikal.