• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-01 18:54:48    
Pangulong Tsino, kinapanayam hinggil sa Beijing Olympics

CRI
Ngayong araw, unang araw ng Agosto, ay isang linggo lamang bago ang pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Nang araw ring iyon, kinapanayam sa Beijing ng 25 mediang dayuhan si pangulong Hu Jintao ng Tsina. Sa panayam, sinagot ng pangulong Tsino ang mga tanong hinggil sa Olimpiyada at kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.

"Ang Beijing Olympic Games ay ari ng mga mamamayang Tsino at maging ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa ng daigdig. Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, wini-welcome ko ang mga kaibigan mula sa iba't ibang lugar ng daigdig na pumunta sa Tsina para sa paglahok at panonood ng Olimpiyada at ang mga mamamahayag naman para sa pagkokober sa Olimpiyada."

Ang narinig ninyo ay sinabi ni Hu bilang pambungad ng naturang panayam. Bilang pinakamataas na lider ng bansang nagtataguyod ng kasalukuyang Olimpiyada, ipinahayag ni Hu na ang pagdaraos ng Olimpiyada sa Tsina ay nagpapakita ng pagtitiwala ng daigdig sa Tsina at ambag naman ng Tsina sa daigdig. Anya, nitong 7 taong nakalipas sapul nang magwagi sa pagbibiding para sa Olimpiyada, buong taimtim na isinasagawa ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang iba't ibang gawaing paghahanda para maipatupad ang kanilang pangako sa komunidad ng daigdig na idaos ang isang Olimpiyadang may katangian at mataas na lebel.

Bagama't ang pagsisikap ng Tsina ay kinikilala ng iba't ibang panig, ini-uugnay pa rin ng ilang bansa ang isyung pulitikal sa Olimpiyada. Kaugnay nito, ipinahayag ni Hu na,

"Ipinalalagay naming ang pagsasapulitika ng Olimpiyada ay hindi lamang hindi makakabuti sa paglutas ng mga isyu, kundi rin lumalabag sa diwang Olimpik at komong hangarin ng mga mamamayan ng buong daigdig at makakapinsala sa wakas sa Kilusang Olimpik. Iisa lamang ang aming hangarin na magdaos ng isang matagumpay na Olimpiyada para sa mga mamamayan ng buong daigdig upang ipagpatuloy at patingkarin ang diwang Olimpik."

Ibinahagi ni Hu sa mga mamamahayag ang kanyang pagkakaunawa sa islogan ng kasalukuyang Olimpiyada na "isang mundo, isang pangarap". Anya,

"Nagpapakita ito ng aming taos-pusong hangarin, alalaon baga'y nakahanda ang mga mamamayang Tsino, kasama ng mga mamamayan ng daigdig, na sa ilalim ng pagpapasigla ng diwang Olimpik, palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan, isulat ang bagong kabanata ng Kilusang Olimpik at likhain ang mas magandang kinabukasan ng sangkatauhan."

Pinag-uukulan ng mga media ng pansin kung papaano ang epekto ng Olimpiyada sa kabuhayang Tsino at pagharap ng Tsina sa hamon at kahirapan sa kabuhayan nito mula sa loob at labas ng bansa. Kaugnay nito, ipinahayag ni Hu na,

"Dapat malalimang isagawa ang ideya sa siyentipikong pag-unlad at gawing pangunahing tungkulin ang pagpapanatili ng matatag at may-kabilisang pag-unlad ng kabuhayan at pagpigil sa labis na pagtaas ng presyo ng bilihin. Habang pinalalalim ang reporma sa sistemang pangkabuhayan at isinasakatuparan ang mainam at may-kabilisang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, patuloy din naming pinasusulong ang komprehensibong reporma na kinabibilangan ng reporma sa sistemang pulitikal."

Bilang panghuli, ipinahayag ni Hu ang kanyang mabuting pagpapala sa lahat ng mga manlalaro ng iba't ibang bansa na kalahok sa Beijing Olympic Games. Anya,

"Bilang punong abala, taos-puso naming pinagpapalang matatamo ng mga manlalaro ng iba't ibang bansa ang tagumpay sa mga paligsahan. Umaasa rin akong tutularan ng mga manlalarong Tsino at dayuhan ang isa't isa para magkakasamang makapagbigay ng ambag sa pagpapaunlad ng Kilusang Olimpik."