• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-04 16:00:29    
Lu Xinyi, naghahatid ng pangarap ng Olimpiyada ng sirkulong pangkoreo

CRI

Sa Beijing Olympic torch relay sa Qinhuangdao noong ika-30 ng nakaraang buwan, may isang karaniwang torchbearer na si Lu Xinyi. Siya ang isang karaniwang kartero ng Baiwanzhuang Post Bureau ng Beijing, pero ang naturang karaniwang bababe ay naging sinabolo ng pangarap ng nakararaming kartero ng Tsina sa Olimpiyada.

Ang 29-taong gulang na si Lu Xinyi ay nagtatrabaho sa departamento ng koreo nang 10 taon. Sa aktibidad ng pagpili ng torchbearer ng post bureau, nakapasa siya sa lahat ng mga pagsusulit at naging Beijing Olympic torchbearer. Ipinagmamalaki ito niya.

"Napakahalaga ng pagiging torchbearer sa habang buhay ko at tuwang-tuwa ako. Sa tingin ko, maaaring maghatid ang mga torchbearer ng diwa ng Olimpiyada: kapayapaan, pagkakaibigan, paghahangad ng progreso at makatarungang kompetisyon. Nagmamalaki akong naging isa sa kanila at tiyak na buong husay na matutupad ang tungkulin ko at ipapakita ang diwa ng mga mamamayang Tsino sa buong daigdig."

Sinabi ni Ginang Lu na datapuwa't maikli ang ruta ng kanyang paghahatid, ngunit, sa rutang ito'y itinampok niya ang pangarap ng nakararaming kartero. Sinabi niya na,

"Inaasahan ng lahat ng mga kartero at torchbearer na magtatagumpay ang Beijing Olympic Games. Bilang isang kartero, marami ang ginawa namin sa panahon ng paghahanda para sa Olimpiyada at umaasa rin akong magiging kasiya-siya ang iba't ibang serbisyo namin para sa Olimpiyada."

Pagkatapos ng paghahatid ng sulo sa Qinhuangdao, agarang umuwi sa Beijing si Lu Xinyi, dahil marami siyang dapat gawin sa Olimpiyada. Isinalaysay niya na,

"Sa panahon ng Olimpiyada, maglilingkod ako sa Olympic Expo at magkakaloob ng mahusay na serbisyo sa lahat ng mga kaibigang nagmamahal ng pagtitipon ng mga selyo at nagbibigay-pansin sa paligsahan ng Olimpiyada at sa mga manlalaro at kaibigang dayuhan."

Isinalaysay pa niyang ang Olympic Expo na idarao sa Beijing Exhibition Hall mula ika-8 hanggang ika-18 ng buwang ito ay isang katangi-tanging aktibidad sa kasaysayan ng Olimpiyada. Sa panahon iyan, itatanghal ang maraming pambihirang koleksyong pangkoreo na kinabibilangan ng mga koleksyon ni Juan Antonio Samaranch, dating tagapangulo ng International Olympic Committee, at idaraos ang makukulay na aktibidad na may kinalaman sa pagtitipon ng mga selyo. Bilang isang kalahok sa aktibidad na ito, ipinahayag ni Ginang Lu na,

"Magpapalaganap kami ng ilang kulturang Tsino sa aming serbisyo. Umaasa akong magpapalipas ang mga kaibigan ng magandang panahon sa Beijing at malalaman ang mas maraming kulturang Tsino upang maging mas mahigpit ang relasyon ng mga mamamayang Tsino at mga kaibigang dayuhan."

Sa wakas, sa ngalan ng kanyang mga kasamahan, nagpahayag si Lu Xinyi ng pag-asang matatamo ng lahat ng mga kalahok na manlalaro ang magandang resulta sa Olimpiyada. Sinabi niya na,

"Umaasa akong matutupad ng lahat ng mga manlalaro sa buong daigdig ang kani-kanilang inaasahang target sa Beijing Olympic Games. Umaasa rin akong matatamo ng mga manlalarong Tsino ang bagong breakthrough sa kasalukuyang Olimpiyada. Nananalig akong tiyak na maging isang Olimpiyadang may katangia't mataas na antas ang Beijing Olympic Games. Bilang isang residente sa Beijing, isang boluntaryo at isang kartero, magkakasamang inaasahan namin ang kasiya-siyang tagumpay ng Beijing Olympic Games."