• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-04 16:02:29    
Sulo ng Beijing Olympics, naghahatid ng tuwa't pasyon sa Sichuan

CRI

83 araw pagkaraang maganap ang lindol na may lakas na 8.0 sa richter scale sa Lalawigang Sichuan ng Tsina, inihahatid ang sulo ng gaganaping Beijing Olympic Games sa lalawigang ito. Sinasalubong ng mga apektadong mamamayan sa Sichuan ang pagdating ng Olympic flame batay sa kani-kanilang matibay at optimistikong diwa.

Nakatakdang ihatid ang sulo ng gaganaping Olimpiyada sa 8 lunsod ng Sichuan na gaya ng Guang'an, Mianyang at Chengdu mula ika-16 hanggang ika-18 ng Hunyo ng taong ito, pero dahil sa epekto ng napakalakas na lindol, isinaayos ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games ang ruta't iskedyul ng torch relay doon at naging pinal na hinto ang Sichuan bago pumasok ang sulo sa Beijing. Ayon sa plano pagkatapos ng pagsasaayos, mula kahapon hanggang bukas ng buwang ito, magkakahiwalay na ihatid ang sulo ng Olimpiyada sa Guang'an, Leshan at Chengdu, kasabay nito, idispley ang Olympic flame sa Mianyang at Guanghan.

Upang maiwasan ang paggambala sa normal na proseso ng rekonstruksyon sa mga nilindol na purok, binago ng naturang lupong tagapag-organisa ang ruta ng torch relay sa mga lugar kung saan napakagrabe ng epekto ng lindol at ipinasiyang idispley ang Olympic flame sa Mianyang at Guanghan, pero nagpahayag ang mga apektadong mamamayan ng kasiglahan sa pagdating ng Olympic flame. Ipinahayag ni Ginoong Zheng Wenlong, residente sa Chengdu na,

"Sa katunayan, ang paghahatid ng sulo ng Olimpiyada ay naghahatid naman ng pagmamahal at diwa, naghahatid ito ng katapangan sa mga apektadong lugar. Mataas na pinahahalagahan ngayon ng mga mamamayan sa buong bansa ang kalagayan ng mga nilindol na purok. Pinasasalamatan namin ang malasakit at pagtulong ng mga kababayan sa buong bansa sa amin at tiyak na muling itatatag namin ang magandang tahanan."

Sa Beijing Olympic torch relay sa Sichuan, espesyal na pinili ang 29 na namumukod na tauhang panaklolo bilang torchbearer. Si Ginoong Zhengqiang na galing sa Mianyang ay isa sa kanila. Sa proseso ng gawaing panaklolo, ilang beses na pumasok siya sa mga purok na grabeng naapektuhan ng lindol at gumawa ng napakalaking pagsisikap para sa pagliligtas ng buhay ng maraming tao. Sa kasalukuyan, nagsisikap pa rin siya para sa muling pagtatatag ng tahanan sa lalong madaling panahon. Isinalaysay niya na,

"Sa kasalukuyan, unti-unting nagiging normal ang kaayusan ng pamumuhay at pagtatrabaho ng mga mamamayan sa nilindol na purok. Pagkaraan ng pangkagipitang pagkukumpuni sa maraming lansangang naapektuhan ng lindol, napanumbalik na sa kabuuan ang transportasyon sa maraming lugar."

Sa ilalim ng pagtulong ng iba't ibang sirkulo ng Tsina at komunidad ng daigdig, nagtamo na ang gawaing panaklolo't rekonstruksyon sa Lalawigang Sichuan ng tagumpay sa isang yugto. Batay sa kani-kanilang matibay, pagtitiwala sa sarili at optimistikong diwa, muling itinatatag ng mga mamamayan sa lalawigang ito ang tahanan. Ipinahayag ni Ginang Tangli, residente sa Chengdu na,

"Nang ihatid ang sulo ng Olimpiyada sa ibang lunsod, nakita namin ang pag-aabuloy ng pondo at pagbati ng mga kababayang Tsino sa amin, totoong tumimo ito sa aming puso. Masisipag, matatapang at napakatibay ang mga taga-Sichuan at tiyak na muling itatatag namin ang tahanan. Bumabati kami sa maalwang paghahatid ng sulo ng Olimpiyada at bumabati rin sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games."