Noong Biyernes, lumahok sa Maynila si Song Tao, embahador ng Tsina sa Pilipinas, sa seremonya ng pamamaalam na inihandog ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas sa mga kalahok na manlalarong Pilipino sa Beijing Olympic Games. Sa seremonya, ipinahayag ni Song ang panalubong sa naturang mga manlalarong Pilipino at mga opsiyal na Pilipino na kinabibilangan ni Arroyo na dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng Olimpiyadang ito. Umaasa rin siyang matatamo ng mga manlalarong Pilipino ang mabuting resulta sa Olimpiyadang ito.
Sinabi noong Martes ni William Ramirez, tagapangulo ng lupong pampalakasan ng Pilipinas, na libos siya ng kompiyansa sa mga isinasagawang hakbangin ng Beijing Olympic Games sa paglaban sa terorismo at pangangalaga sa kapaligiran. Sa porum na inihandog ng samahan ng mga mamamahayag na pampalakasan ng Pilipinas nang araw ring iyon, sinabi ni Ramirez na mataas na pinahahalagahan ng Tsina ang pagdaraos ng Olympic Games at inilaan ang malaking yaman para malutas ang kasalukuyang umiiral na problema, wala anumang problema sa paglaban sa terorismo at pangangalaga sa kapaligiran sa gaganaping Olympic Games.
Pormal na iniabot noong Huwebes ng Ministri ng Social Welfare and Development ng Pilipinas sa coastguard nito ang 450 libong dolyares na bagay na inabuloy ng Tsina para sa gawaing panaklolo sa bapor "Princess of the Stars". Ipinahayag ni Wilfredo Tamayo, Komander ng coastguard ng Pilipinas na nakataob ang mga bapor sa paghagupit ng typhoon Fengshen at sa kasalukuyan, kulang na kulang ang coastguard sa mga bagay sa gawaing panaklolo at tamang tama ang pagdating ng ganitong mga bagay ng Tsina.
Mula noong Miyerkules hanggang Huwebes, idinaos sa Beihai, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina, ang dalawang araw na porum sa kooperasyong pangkabuhayan ng Pan-Beibu Gulf. Ang kasalukuyang porum na may temang "magkakasamang pagtatatag ng bagong polo ng pag-unlad ng Tsina at ASEAN--pag-uugnayan, pagtutulungan at kasaganaan" ay nilahukan ng mga opisyal ng pamahalaang Tsino, opisyal ng mga may kinalamang bansang ASEAN, dalubhasa at iskolar mula sa loob at labas ng bansa at kinatawan mula sa mga bantog na bahay-kalakal, organong pinansyal at organisasyong pandaigdig na gaya ng Asian Development Bank. Tinalakay nila ang tatlong paksa na kooperasyong pangkabuhayan ng Pan-Beibu Gulf sa background ng di-balanse at di-matatag na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, mahahalaga't mahihirap na isyu at tunguhin ng kooperasyon ng Pan-Beibu Gulf at pagbubukas't pagdedebelop ng sonang pangkabuhayan ng Beibu Gulf ng Guangxi at kooperasyong pangkabuhayan ng Pan-Beibu Gulf. Sa panahon ng porum, pormal na nabuo ang magkasanib na grupo ng mga dalubhasa ng Pan-Beibu Gulf Economic Cooperation. Binubuo ng grupo ang mga dalubhasang Tsino at mga bansang ASEAN at mga kinatawan ng Asian Development Bank. Ipinalalagay ng mga dalubhasa na ibayo pang pasusulungin at pabibilisin ng Pan-Beibu Gulf Economic Cooperation ang proseso ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN at mapapatingkad ang mahalagang papel sa pagpapataas ng integrasyong pangkabuhayan at pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng may kinalamang bansa.
Isiniwalat noong Lunes sa Guiyang, lunsod sa timog kanlurang Tsina ni Liu Baoli, opisyal ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, na magkakaloob ang pamahalaang Tsino ng 50 full scholarship sa estudyenteng Asean bilang bahagi ng unang pangkat ng China-Asean Scholarship. Sinabi ni Liu na mula susunod na taon, maaaring mag-aplay ng naturang scholarship ang mga estudyente mula sa 10 bansang Asean at ipagkakaloob ang mga scholarship na ito, pangunahin na, sa mga mag-aaral sa bachelor, master at doctor degree program.
Napag-alaman noong isang linggo ng mamamahayag mula sa Adwana ng Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog Tsina, na noong unang hati ng taong ito, ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng rehiyong awtonomong ito at limang bansa sa Greater Mekong Subregion o GMS na kinabibilangan ng Myanmar, Laos, Thailand, Kambodya at Biyetnam ay umabot sa mahigit 1.8 bilyong Dolyares na lumaki ng 26% kumpara sa gayun ding panahaon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, umabot sa mahigit 1.7 bilyong Dolyares ang halaga ng kalakalan ng Guangxi at Biyetnam na lumaki ng halos 94% at nangunguna ang paglaking ito sa kalakalan ng Guangxi at naturang limang bansa.
Maalwang natapos noong Martes sa Chiang Mai ng Thailand ang 20-araw na magkasanib na pagsasanay ng Tsina at Thailand laban sa terorismo na may codename na Strike-2008. Sa kanyang paglahok sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni Ma Xiaotian, pangalawang puno ng pangkalahatang estado mayor ng People's Liberation Army, na may napakahalagang katuturan ang naturang magkasanib na pagsasanay para sa pagpapataas ng kakayahan sa magkasamang paglaban sa terorismo, pagbibigay ng deterrent sa mga puwersang teroristiko at pangangalaga sa kaligtasan at katatagang panrehiyon. Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Montree Chumpoo, puno ng pangkalahatang estado mayor ng tropang panlupa ng Thailand, na sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, umaasang ibayo pang mapapalalim ang pangkaibigang relasyon ng mga hukbo ng Tsina at Thailand para makapagbigay ng malaliman at pangmalayuang impluwensiya sa komprehensibong kooperasyon ng dalawang panig.
|