• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-05 17:07:43    
Romulo de Mesa, Danilo Reyes at Wilbert Nicolas: Maagang congratulations sa Beijing sa mahusay na paghahanda nito para sa Olympics

CRI
Ngayon pa lang ipinaaabot ko na ang aking mainit na pagbati sa inyong lahat diyan sa Beijing sa pagsisimula ng 2008 Beijing Olympics. Maraming bagay sa Olympic Games na ito ang makapag-iiwan ng malalim na impression sa isip ng mga manonood at kabilang dito ang Olympic Green, Main Stadium at marami pang ibang Olympic Sport Venues. Kasama na rin diyan siyempre iyong mga palabas na gaganapin sa pagitan ng mga laro. Mahusay na mahusay ang China sa cultural shows kaya siguradong hindi makakalimutan ng mga makakapanood ang mga palabas na ito.

Romulo de Mesa
Lalawigan ng Marinduque

 

Maaga pa naman, pero congratulations sa Beijing sa mahusay na paghahanda nito para sa Olympics. Reding-ready na ang lahat para sa pagbubukas ng kauna-unahang green and hi-tech Olympics sa mundo. Kumpara sa mga nagdaang Olympic Games, itong Beijing Games marahil ang magiging pinaka-memorable dahil luntiang luntian ang dating ng lahat ng venues mula sa Bird's Nest hanggang sa Media Village at ito lang ang Olympics na kung saan may chance ang mga bisita na makapunta sa iba pang lugar ng China na tulad ng Hong Kong, Shanghai at Tianjin dahil doon gaganapin ang ibang events

Danilo Reyes
San Andres, Manila

 

Ilang tulog na lang... We are almost there! Salubungin natin ang Beijing Games nang buong-saya. Alalahanin natin na ang tagumpay nito ay tagumpay ng China at ng buong Asya. Wala akong pagkakataon na mapanood ang Olympics kaya medyo sad ako. Binabati ko iyong mga kababayan na makakabiyahe sa Beijing para manood. Ang masasabi ko lang: "Happy is he who comes to see the Games."

Wilbert Nicolas
Bukidnon