• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-05 17:09:46    
Isang Olympic torchbearer ng Lahing Qiang sa nilindol na purok

CRI
Noong hapon ng ika-4 sa buwang ito, isinagawa ang pagtatanghal ng paghahatid ng sulo ng Olympiyada sa Mianyang, isang nilindol na purok sa Lalawigang Sichuan, bilang isang dagdag na torchbearer, si Zheng Qiang, Puno ng Departamento ng Pambayang Sandatahang Lakas ng Distritong Youxian ng Lunsod ng Mianyang ang lumahok sa Olympic torchrelay bilang kinatawan ng mga huwarang indibiduwal sa relief work sa lindol. Sa pagtataas ng sulo ng Olympiyada inihatid ni Zheng, isang may lakas-loob na lalaki ng Lahing Qiang na nagligtas ng maraming buhay sa guho ang diwa ng di-pangangayapapa ng Olympiyada.

Bago ang aktibidad ng paghahatid ng sulo, tahimik na nagluksa ang lahat ng mga kalahok sa mga nasawi sa lindol sa Wenchuan. Pagkatapos, sinimulan ang paghahatid at agad na sumiklab ang malakas na sigawan at pagbunyi ng mga kalahok at ang islogang "Come on, Beijing Olympic Games; come on, China at umahon ang Beichuan" at iskrol na kinasusulatan ng "Beichuan, nananatiling maganda" ay nakakaantig ng puso ng mga mamamayan. Nang makita ang tagpong ito, basa na ang mga mata ni Zheng na galing sa Beichuan. Pagkaraan ng lindol, ilang beses na pumasok siya at ang kaniyang pinamunuang mga milisya sa napakagrabeng nilindol na purok ng Beichuan para iligtas ang mas maraming buhay.

Mula Maryo hanggang sa kasalukuyan, mahigit 2 buwan na ang nakaraan at pumasok na sa yugto ng komprehensibong rekonstruksyon ang mga nilindol na purok. Isang araw na bago ang paghahatid ng sulo, naging abalang abala pa si Zheng sa gawain ng rekonstruksyon.

Tungkol sa nagawang progreso ng gawaing ito, sinabi ni Zheng na kinakaharap nila ang maraming kahirapan, nguni't maalwan ang pag-unlad. Sinabi niyang:

"Sa kabuuang kalagayan ng nilindol na purok, unti-unting nagiging normal ang kaayusan ng pamumuhay at gawain ng mga mamamayan dito at sa gayon rin ang transportasyon sa maraming lugar. "

Sa espesiyal na background ng lindol, di pangkarariwan ang katuturan ng paghahatid ng sulo ng Olympiyada sa Sichuan. Hinggil dito, sinabi ni Zheng na :

"Lalong lalo na sa ngayong masusing panahon ng rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad, idinidispley ang sulo ng Beijing Olympic Games sa nilindol na purok at ito ay pinakamalaking inspirasyon sa amin. Determinado kaming magsanib ng diwa ng Olimpiyada at diwa ng gawaing panaklolo sa napakalakas na lindol para gawin ang susunod na gawain nang mas mabuti."

Para ibayo pang ipakita ang dalikang diwa ng gawaing panaklolo at kompiyensa ng mga mamamayan sa rekonstruksyon ng tahanan, espesyal na idinagdag ang 29 na Olympic Torchbearer sa paghatid ng sulo ng Beijing Olympic Games sa lalawigang Sichuan at si Zheng Qiang ay isa sa kanila. Ipinahayag niyang ang pagiging isang Olympic Torchbearer ay kaluwalhatian hindi lamang ng aking sarili, kundi ng lahat ng tao sa mga purok ng kalamidad at lalong lalo na ng mga milisyang tumulong sa kanila. Sinabi niyang:

"Ang paglahok sa Olympic Torch Relay ay kaluwalhatian hindi lamang ng aking sarili, kundi ng lahat ng tao sa mga purok na kalamidad."

Mula gawaing panaklolo hanggang Olympic Torchbearer, si Zheng Qiang ay isang pangalang kilala sa maraming tao sa Mianyang. Ipinalalagay ng mga tao na ang katapangan at katibayang loob na ipinakikita ni Zheng Qiang ay minyatura ng mga taga-Sichuan. Kahit naganap ang lindol, hindi nabawas ang kasiglahan ng mga taga-Sichuan sa Beijing Olympic Games at hindi rin nawasak ang kompiyensa nila sa rekonstruksyon ng tahanan, sinabi ni Jiang Shiyong, isang residente ng Sichuan na:

"Ang lupang tinubuan ni Zhang Qiang ay Beichuan at siya ay isang katutubo ng lahing Qiang. Ang Beichuan ay tanging bayan ng lahing Qiang ng buong bansa. Nakita ng lahat ng mamamayang Tsino ang kanyang katapangan ng katutubong lalaki ng Qiang sa napakalakas na lindol. Ang kanyang pagiging Olympic Torchbearer ay nagsisilbing kapurihan ng aming buong Mianyang."