• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-05 17:28:45    
Ika-120 sesyong plenaryo ng IOC, binuksan na sa Beijing

CRI

Binuksan kagabi sa Beijing ang ika-120 sesyong plenaryo ng Pandaigdig na Lupong Olimpik o IOC. Sa ngalan ng Pamahalaan at sambayanang Tsino, ipinahayag ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina ang kanyang mainit na pagtanggap sa lahat ng mga miyembro ng IOC at ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa ibinibigay na suporta ng IOC sa pagtataguyod ng Tsina sa ika-29 na Olimpiyada. Sa kanyang talumpati, ganito ang tinuran ng Pangulong Tsino.

"Sapul nang bumalik ang Tsina sa pamilyang Olimpik, binibigyan kami ng malaking pagkatig ng IOC at pinalalawak din nito ang pakikipagpalitan nito sa Tsina. Sa proseso ng pagbi-bidding ng Beijing sa pagtataguyod ng ika-29 na Summer Olympics, binigyan din ng IOC ng mahahalagang patnubay at suporta ang Tsina. Sa pagsasamantala ng pagkakataong ito, gusto kong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat kay Presidente Jacques Rogge at mga kasapi ng IOC."

Isinalaysay rin ng pangulong Tsino ang hinggil sa pagpapaunlad ng Pamahalaang Tsino ng pambansang palakasan. Aniya, ang palakasan ay nagsisilbing mahalagang paraan para sa pagpapalakas ng katawan ng sambayanang Tsino at nagsisilbi rin itong mahalagang lakas sa pagpapasulong ng pambansang kaunlaran at sa pakikipagpalitan at pakikipagtulungan ng Tsina sa mga panig na dayuhan.

Bilang panapos, inulit ni Pangulong Hu ang pangako ng Tsina hinggil sa paghohost ng 2008 Olympic Games.

"Ang pagtataguyod ng isang Olimpiyadang may katangian at mataas ang lebel ay solemnang pangako ng Pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa komunidad ng daigdig. Umaasa kaming sa pamamagitan ng pagdaraos ng Beijing Olympics, ibayo pang pasusulungin ang pag-unlad ng Olimpiyada, palalaganapin ang diwa ng Olimpiks, palalaguin ang pagpapalitan at pagtutulungang pampalakasan ng Tsina at mga bansang dayuhan at ipapakita ang taos-pusong hangarin ng mga mamamayang Tsino na magbahaginan sila ng biyayang dulot ng pag-unlad kasama ang mga mamamayan ng iba't ibang bansa."

Pinasalamatan naman ni Rogge ang isinasagawang pagsisikap ng panig Tsino bilang punong-abala ng gaganaping Olimpiyada at ipinahayag din niya ang kanyang paghanga sa lakas-loob, determinasyon at kagitingan ng mga mamamayang Tsino sa kanilang pakikibaka sa naganap na lindol sa Sichuan. Sinabi niya na:

"Ang Olimpiyada ay dumating na sa Tsina, isang bansang may 1/5 ng populasyon ng daigdig. Makabuluhan ang katotohanang ito. Sa darating na Biyernes, 1 bilyong manonood mula sa apat na sulok ng daigdig ang inaasahang magmamasid ng seremonya ng pagbubukas ng Beijing 2008 Olympics sa pamamagitan ng live telecast. Sa iba't ibang aspekto, magpapasulong ang idaraos na Olimpiyada ng pakay na Olimpik ng unibersalidad at pantay na kompetisyon. Nananalig din akong mag-iiwan naman ang Olimpiyada ng mahalagang pamana para sa Tsina. Ang 2008 Beijing Olympic Games ay magsisilbing mahalagang muhon sa kahanga-hangang pag-unlad ng Tsina at sasaksihan ito ng kasaysayan."

Sa ngalan naman ng panig Tsino, sinabi ni G. Liu Qi, Puno ng Lupong Tagapag-organisa para sa ika-29 na Olimpiyada o BOCOG, na handang handa na ang buong Tsina sa paghahandog ng katangi-tanging palaro para sa komunidad ng daigdig.