• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-06 17:21:39    
Mga nagtatanim ng bulaklak, abalang-abala para sa Olimpiyada

CRI
Kung dadalaw kayo sa Beijing, makikita ninyo ang maraming magandang bulaklak sa iba't ibang lugar na gaya sa mga venue ng Olympiyada, landas at magkakapitbahay. Alam ba ninyo? Ang bilang ng mga bulaklak na ginagamit sa Beijing sa taong ito ay umabot sa mga 70 milyong paso na naging rekord sa kasaysayan. Ilang tao na ang nakaraan sinimulan ng pamahalaan ng Beijing at mga sarian ang gawain ng pagpili ng mga bulaklak para salubungin ang Olympic Games.

Si Wen Baoxiang ay maneger ng Beilangzhong plantasyon ng Beijing. Ang bahay-kalakal na ito ay isang may 10 taong kasaysayang propesyonal na bahay-kalakal ng pagtatanim ng bulaklak at puno. Sinabi ni Wen Baoxiang na sa simula ng pagtatatag ng kaniyang bahay-kalakal, ilang malalaking bahay-kalakal at institusyong sesponsable sa pagpapaberde ng landas lamang ang umorder sa kakaunting bilang ng halaman, pero, kasunod ng pagbibigay ng mas malaking halaga ng Beijing sa pagngangalaga ng kapaligiran, kinakailangan ng lunsod ang mas maraming puno at bulaklak. Noong 2004, napatanto niya ang malaking potensiyal sa pamilihan ng bulaklak, sinimulan ang kooperasyon nila ng mga institusyon ng pananaliksik at ipinasok ang mga eknolohiya sa pagtatanim. Bumago nito'y lumalaki nang lumalaki ang negosyo niya at sa bandang huli, itinakda ang kaniyang bahay-kalakal bilang base ng bulaklak sa Olympic Games. Tumanggap siya ng order form ng magpoprodyus ng 8 milyong puso ng bulaklak para sa Olympic Games at doble ang naing paglaki ng mga ipinagbibiling bulaklak kumpara sa tinalikdang taon. Sinabi ni Wen na :

"Sa taong ito, lalampas sa 1.5 milyon yuan ang kita at walang duda mas mabuti ang benipisyo sa taong ito kaysa taong nakalipas."

Sa kasalukuyan, ang bulaklak mula sa Beilangzhong plantasyon ay ginagamit sa Bird's Nest o Pambansang Istadyum at iba pang pangunahing venue ng Beijing Olympic Games at maraming mahalagang lugar na gaya ng landas ng Olympiyada at iba pa.

Pagkaraang matamo ng Beijing ang kakarapatan ng paghohost ng ika-29 Olympic Games, iniharap ng maraming eksperto na mataas ang temperatura, humidity at marami ang ulan sa Augusto sa Beijing, kaya, walang maraming bulaklak na maaaring angkop sa ganitong kapaligiran, bukod dito, magkakaiba ang panahon ng pamumukadkad ng iba't ibang bulaklak, kaya, naging isang malaking isyu ang paggamit ng mga bulaklak sa panahon ng Olympic Games. Sa kalagayang ito, gumanap ng papel ang proyekto ng pagpili at paglilinang ng uri na isinasagawa ng instituto ng siyensiya hinggil sa halamanan mula noong ika-9 na dekada ng ika-20 siglo.

Noong isang taon, ipinalabas ng Beijing ang mahigit 500 uri ng bulaklak na gagamitin sa panahon ng Olympic Games. Sinabi ni Xu Jia, isang opisiyal ng kawanihan ng halamanan at pagpapaberde ng Beijing na pagkaraan itakdad ang listahan ng bulaklak sa Olympic Games, sinimulan ng mga bahay-kalakal ang malaking produksyon. Sinabi rin niyang ang pagtatanim at pagbebenta ng bulaklak sa Olympic Games ay aksyong pampamilihan:

"May mga base ng pagtatanim ng bulaklak sa maraming distrito at bayan ng Beijing at ipinasisiya ng mga yunit ng venue kung anong uri ng bulaklak ang gagamitin nila, halimpawa, ang pingpong venue ay nasa Peking University, kaya, ang unibersidad na ito ang bahala sa pagbili ng mga bulaklak."

Nanganganiba ang ilang taong pagkaraan ng Olympic Games, kakaharapin ang kahirapan sa pagbibili ng mga bulaklak. Pero, positibo ang pananaw ni Wen Baoxiang sa prospek ng industrya ng pagtatanim, sinabi niyang :

"Kung matatapos ang Olympic Games, may iba pang aktibidad pa rin, bukod dito, kinakailangan rin ang bulaklak ng mga karaniwang mamamayan, kaya, ang bilang ng paggamit ay tiyak na malaki ang pangangailangan sa hinaharap. "