• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-07 14:45:28    
Si Amirul Hamizan, Malaysian weightlifter

CRI
Nagpadala ang Malaysiya ng 33 manlalaro para lumahok sa 9 na event ng Beijing Olympic Games. Ang weightlifter nito sa 56 kilogram category na si Amirul Hamizan ang nagkamit ng medalyang pilak sa ika-4 na Asian Weightlifting Championships at sa gayo'y kualipikado siya sa paglahok sa Olimpiyada na kumakatawan ng Malaysiya.

Ang tagumpay ni Amirul ay masasabing lumabas sa inakala ng Malaysiya, dahil pinayagan lamang siya noong isang taon na lumahok muli sa paligsahan pagkatapos ng 2 taong pagbabawal sa paglahok sa alinmang paligsahan. Noong Pebrero ng 2005, positive ang resulta ng kanyang urine test sa isang paligsahang panloob. Ang balitang ito ay ikinagulat ng buong bansa. Sinabi ni Ismadi, mamamahayag ng pambansang radyo at TV stasyon ng Malaysiya o RTM, na

"Labis na ikinagugulat namin ito noong panahon iyon. Dahil si Amirul ay nagkamit ng 3 mdalyang ginto sa palaro ng Commonwealth of Nations at ipinalalagay bilang simbol ng palakasan ng Malaysiya. Datapuwa't tinanggap namin lamang ang realidad na ito at umaasang hindi magpapabaya siya."

Kahit paulit-ulit na ipinahayag ni Amirul na hindi ginamit ang anumang ilegal na gamot, hindi binago nito ang resulta ng urine test. Pinatalsik siya sa pambansang koponan at pinatawan siya ng parusang sa loob ng 2 taong ipagbawal siya sa anumang paligsahan. Para sa kaniya, ang edad sa pagitan ng 24-26 ay masasabing gintong panahon sa kaniyang karera at noong panahon iyon, puspusang nagsisikap siya para matamo ang kualipikasyon ng paglahok sa Olimpiyada, kaya ang parusang ito'y nagsisilbing malubhang dagok sa kaniya. Nang mabanggit ang parusang ito, masyadong malungkot si Lin Xinhui, punong tagasanay ng weightlifting team ng Malaysiya, sianbi niya na

"Si Amirul ay nasa napakataas na antas sa CN at natamo niya ang 3 sa 7 medalyang ginto na natamo ng Malaysiya sa ika-17 palaro ng CN."

Kaya noong panahon iyon, hindi nanghihinayang magpatong ang mga media ng Malaysiya ng iba't ibang papuri sa 21 taong gulang na future star na si Amirul. Datapuwa't hindi siya nasisiyahan sa pagiging kampeon ng CN, alam niya na ang mga bansa sa daigdig, na nasa uang hanay ng weightlifting ay Tsina at Turkey, at hindi kasaping bansa ng CN sila. Ang kaniyang target ay patuloy na magpapakahusayan para lumahok sa Olimpiyada at makipagligsahan sa mga top player ng daigdig.

Datapuwa't ang parusang ito ay dumurog ng halos lahat na pag-asa ni Amirul, dahil umalis siya sa pambansang team at hindi puwedeng lumahok sa alinmang paligsahan, wala na siyang garantiya sa kita, pagsasanay, kagalingang medikal at iba pa, kaya noong panahon iyon, nawala siya sa pananaw ng publiko. Sa kabutihang-palad, hindi itinakwil ni Lin ang manlalarong itong may malaking nakatagong lakas. Sinabi ni Lin na

"Nanghihinayang ako na 2 taon ang hindi maaari siyang lumahok sa alinmang paligsahan at para sa mga manlalaro sa weightlifting, ang panahong iyon'y gintong panahon sa kanyang karera. Kaya ang parusang ito'y malaking nakaapekto sa kanyang pangkalahatatang sistematikong pagsasanay. Hindi ninais niya minsan na ipagpatuloy ang pagsasanay. Pinasigla ko siya sa pagsasabing darating ang Olimpiyada pa at iba pang mga malaking paligsahan. Minamahal niya ang weightlifting."

Salamat sa pag-iinkorahe ng tagasanay at kanyang sariling pagmamahal sa weightlifting, nang tapusin ang panahon ng pagbabawal sa paglahok sa paligsahan noong isang taon, agarang nagsisimula si Amirul ng pagsasanay. Kahit isang taong lamang natitira sa pagdaraos ng Olimpiyada, ipinagtaka ng buong Malaysiya ang matagumpay na pagtamo niya ng kualipikasyon sa paglahok sa Olimpiyada.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ni Amirul ang saradong pagsasanay sa lalawigang Hainan ng Tsina sa ilalim ng pagturo ni Lin para sa Olimpiyada. Sinabi ni Lin na dahil natamo niya ang kualipikasyon sa paglahok sa paligsahan noong isang buwan lamang. Kakaunting panahon ang natitira para kay Amirul sa paghahanda. Sa kasalukuyan, nagsisikap sila para tulungan siya sa pagsasaayos ng lagay niyang mantal at pang-katawan. Sinabi ni Lin na

"Dahil hindi natamo pa ang medalya ng Malaysiya sa weightlifting sa kasaysayan ng Olimpiyada, ang pinakapangunahin na'y paglahok. Ikinasisiya ni Amirul ang paglahok sa Olimpiyada at umaasa siya ring matatamo ang mabuting rekord, kaya puspusang nagsisikap siya para rito."

Muling nagsindi ang mahusay na pagkakita ni Amirul ng kasiglahan ng mga mamamayan ng Malaysiya at umaasa silang ang magiting na weightlifter na ito'y makapagbibigay muli ng kasiyahan sa kanila. Sinabi ni Ismadi na

"Si Amirul ay muling naging tampok sa publiko, magkakasunod na ipinalabas ng mga media ang artikulo na umaasang patuloy na magsisikap siya para matamo ang namumukod na tagumpay. Mangyari pa, nananatili ang posibilidad na pumasok siya sa unang 5 puwesto ng Olimpiyada."