Ngayong araw dito sa Beijing, opisyal na binuksan ang Beijing 2008 Olympic Youth Camp. Mahigit 480 mahusay na kabataan mula sa 205 bansa at rehiyon ang kalahok sa nasabing Youth Camp na may temang "paglikha ng mga kabataan ng kinabukasan". Magkakasamang makakaranas sila ng Olympic Games at kulturang Tsino.
Dumalo ng seremonya ng pagbubukas sina Liu Qi, pangulo ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games, Lu Hao, pangulong tagapagpaganap ng Youth Camp Commission, Guo Jinlong, pangulong tagapagpaganap ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games at Juan Antonio Samaranch, pangulong pandangal ng International Olympic Committee, IOC.
Sa kanyang talumpati, nagpahayag ng mainit na pagsalubong si Lu Hao sa mga kabataan mula sa iba't ibang lugar ng daigdig. Ipinahayag niyang magsisikap ang Olympic Youth Camp na ito para mapasulong ang pagpapalitan sa pagitan ng mga kabataan ng iba't ibang bansa. Aniya pa, ang pagtangkilik ng Youth Camp ay nagkaloob ng isang pangunahing plataporma para sa mga kabataan sa pag-aaral ng kaalaman, pagkaranas ng Olympic Games, pagpapahigpit ng pag-uunawaan at pagkakaibigan. May mahalagang katuturang ito sa pagpapasigla ng pagkakaisa, pagkakaibigan, mapayapang Olympic spirit, pagpapasulong ng pagpapalitang kultural at pangkaibigan.
Ang Olympic Youth Camp ay isang pangunahing aktibidad ng pagpapalitan ng kultura sa ilalim ng Olympic flag. Ito ay isa sa apat na pangunahing aktibidad ng Olympic Games kasama ng paligsahan, seremonyang Olimpiko at kapistahang pansining ng Olimpiyada. May mahalagang papel ang Olympic Youth Camp sa pagpapalaganap ng Olympic spirit sa mga kabataan. Bilang pangulong pandangal ng IOC, binati ni Juan Antonio Samaranch ang mga miyembro ng kampo:
"Una, sa ngalan ni Jacques Rogge, gusto kong magbigay ng pinakamagandang pagbati sa inyo, nakapasuwerte ninyo! Lumahok kayo ng Beijing Olympic Games, maaaring maigarantiya ko sa inyong ang Beijing Olympic Games ay magiging pinakamagaling Olympic Games sa kasaysayan nito. Dapat pasalamatan natin ang kaibigang Tsino, at bumati sa kanila.
Para mas mainam na ipagkita ang ideya ng komong pagbabahagi at integrasyon, inanyayahan ng Beijing 2008 Olympic Youth Camp ang 10 miyembrong may kapansanan, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Olymppic Games. Ayon sa salaysay, sa panahon ng kanilang pananatili sa Beijing, i-oorganisa ng punong abala ang mga miyembro na bumisita ng Olympic village, manood ng seremonya ng pagbubukas at ilang paligsahan ng Beijing Olympic Games at magsagawa ng makulay na aktibidad ng pagpapalitan at pag-aaral, bukod dito, maglalakbay sila ng Forbidden City, Great Wall at iba pang scenic spot.
|