"Hindi ko inaakalang siya ay maging isang atleta sa track at field."
"Hindi ko inaakalang lumahok sa Olympic Games at higit pa 2 beses."
Hindi inaakala ng itay na may gayong laking progreso ang kaniyang anak na babae sa palakasan at hindi naman inaakala ng anak na babae na makalahok sa palaro sa pinakamataas lebel ng daigdig nang 2 beses sa ngalan ng kaniyang bansa.
Ang naturang mga "hindi inaakala" ay lumikha ng si Philailak Sakpaserth, isang malalaro ng Laos sa 100 meter's run. Sa 11 taong gulang, pormal na sinimulan niya ang pagsasanay ng pagtatakbo, sa 13 taong gulang, naging kampeon sa paligsahan ng pagtatakbo sa maigsing agwat ng mga kabatahan sa Laos at natamo niya ang medalyang ginto sa pambansang paligsahan ng Laos sa 15 taong gulang. Sa kaniyang 17 taong gulang, lumahok siya sa Athens Olympic Games sa ngalan ng kaniyang bansa at sa taong ito, sa kaniyang 21 taong gulang, lalahok siya sa Beijing Olympic Games. Ang naturang mga resulta ay dahil ng kaniyang matiyagang pagsasanay sa mahabang panahon at may kaugnay din sa kaniyang pagkatao na hinahangad niya ang progreso at pananaig sa sarili.
Isinilang si Philailak sa isang pamilyang pampalakasan, ang kaniyang itay at ina ay kapuwa atleta sa track at field at ang kaniyang kapatid na lalaki ay isang tennis player. Sa impluwensiya ng pamilya, pinili niya ang karera ng palakasan. Sinabi ni Sitthixai Sakpaserth, itay ni Philailak na:
"Bilang isang bata, mahilig siya sa palakasan. Kung ipapadala sa sports fields, maligaya siya. "
Sa kaniyang 11 taong gulang, pormal na sinimulan ni Philailak ang pagsasanay ng pagtatakbo, 4 taong pagkaraan nito, natamo niya ang kampeon sa pambansang paligsahan ng Laos sa dash. Sinabi ng itay ni Philailak na hindi kailama'y nakakalimutan niya ang iyong paligsahan kung saan natamo ng kaniyang anak na babae ang kampeon.
Noong 2004, lumahok si 17 taong gulang Philailak sa Athens Olympic Games, nang mabanggit ang resultang natamo niya sa naturang Olympic Games, hindi makasisiya siya, pero, ipinalalagay niyang ang pinakamamahali para sa kanuya ay pagsasakatuparan ng breakthrough sa kaniyang karera sa 2004, sa Athens Olympic Games, kung saan nasira niya ang kanyang sariling record.
Sa taong ito, muling nakahanda si Philailak para sa Olympic Games, para sa kaniya, hindi madali ang paglahok pa muli sa Olympic Games. Kinakailangan nito ang walang humpay na pagpupunyagi.
Nitong 4 na taong nakalipas, patuloy na nagsikap si Philailak sa landas ng palakasan tungo sa kaniyang target ng buhay. Karapat-dapat na pananabikan niya ang Beijing Olympic Games, dahil may mas mayamang karanasan siya sa paglahok sa mahalagang paligsahan at isa pa, tumaas din ang resulta niya, maisasakatuparan ang pangarap niya sa Beijing, ang pangarap niya ay hindi iyong para magwagi ng medalya sa hilip ay para pangibabawan ang sarili.
Bilang isang amateur, pagkaraan ng Beijing Olympic Games, may kaniyang sariling plano si Philailak, gusto niyang patuloy na mag-aral at sa kasalukuyan, bukod sa paghahanda para sa Olympic Games, gumagawa siya ngayon para sa TOFEL. Sinabi niyang:
"Pagkaraan ng Beijing Olympic Games, may mga mas nakabatang atleta ang mananaig sa akin. Kaya, gusto kong mag-aral ng mas maraming kaalaman para matupad ang mas mataas na pangarap."
salin:wle
|