Alas-8 ngayong gabi sa Beijing, sa saliw ng Olympic Song, pormal na binuksan ang ika-29 na Summer Olympic Games.
Nagtitipun-tipon ang mga manlalaro mula sa 204 na bansa't rehiyon sa ilalim ng five-ring flag at sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games.
Sa seremonya ng pagbubukas, solemnang ipinatalastas ni pangulong Hu Jintao ng Tsina ang pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Anya,
"Ipinatalastas kong buksan ang ika-29 na Olympic Games sa Beijing!"
Sa kanya namang talumpati, lubos na pinapurihan at taos-pusong pinasalamatan ni Jacques Rogge, pangulo ng International Olympic Committee, ang ambag ng Tsina sa Kilusang Olimpik. Anya,
"Nitong mahabang panahong nakalipas, pinangarap ng Tsina na buksan ang pinto para anyayahan ang mga manlalaro ng iba't ibang lugar ng daigdig na lumahok sa Olimpiyada. Sa gabing ito, nagkatotoo ang pangarap. Pagbati sa Beijing. Sa panahong ito, dapat naming pasalamatan ang masisikap na gawain ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games at libung-libong boluntaryo. Kung walang sila, hindi naisakatuparan ang lahat ng mga ito."
May pamagat na "Magandang Olimpiyada" ang palabas na pansining ng seremonya ng pagbubukas. Dalawa itong bahagi na "maluningning na sibilisasyon" at "kahanga-hangang panahon" at nagpakita, pangunahin na, ng mahabang kasaysayan at maluningning na kultura ng nasyong Tsino, natamong tagumpay ng Tsina sa reporma at pagbubukas sa labas at imahe ng mga kasalukuyang mamamayang Tsino. Ang palabas na tumagal nang halos 1 oras ay nagpahayag ng hangarin ng mga mamamayang Tsino na itayo, kasama ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa, ang isang maharmonyang daigdig.
Ang unang palatuntunan ng palabas ay pagtugtog ng 2008 tauhan ng "fou", isang instrumentong musikal ng sinaunang panahon ng Tsina. Sa saliw ng "fou", lumitaw sa screen sa wikang Tsino at Ingles ang isang kilalang kasabihan ni Confucius, bantog na pilosopo ng Tsina, na "tuloy sa inyo, mga kaibigan ko" bilang pagpapahayag ng pagtanggap sa mga kaibigan ng buong daigdig at ito rin ang damdamin mula simula hanggang sa tapos ng seremonya ng pagbubukas.
Ang palabas ay ginawa sa background ng isang balumbon ng pintura na 20 metro ang haba at 11 metro ang lapad. Maraming elemento ng kulturang Tsino ang ginamit sa seremonya ng pagbubukas na gaya ng writing brush, bamboo slip, saranggola, katawan ng pamaypay at iba pa at lipos din ng kaugaliang Tsino ang kasuotan at kilos ng mga performer.
Sa kurso ng palabas, may isang programa ng pagbuo ng mga tao ng mga titik na Tsino. Kabilang dito, nabuo ng mga performer ang isang titik na Tsino "he" na nagpapakita ng ideya ng "harmonya" na palagiang itinataguyod ng Tsina.
Ipinakita sa palabas sa paraang artistiko ang apat na mahahalagang imbento sa sinaunang Tsina na kinabibilangan ng papermaking, typography, aguhon at pulbura. Sa ideya ng "technology-empowered Olympics", ito ay paggalang sa sinaunang siyensiya at teknolohiya ng Tsina. Kabilang dito ay pagpapaputok ng kuwitis, isang paggamit ng pulbura at sumaklaw ito sa buong kurso ng seremonya.
Sa isang bahagi ng palabas, lumapag mula sa himpapawid ang dalawang astronaut at pagkaraang diinan nila ang butones, lumitaw ang isang modelo ng Planetang Mundo na 18 metro ang diyametro. Lumakad sa modelo ang 58 performer na nagpapakitang "nagkakaroon kami ng isang Mundo".
May isang palatuntunan ng Tai Chi Boxing sa palabas. Ito ay isa sa mga Kungfu ng Tsina. Sa kurso ng palatuntunang ito, ginawing berde ng mga bata ang isang landscape painting at ito ay nagpakita ng ideya ng "envoirmental-friendly Olympics".
May isa namang palatuntunan sa palabas na may pamagat na "silkroad" na nagpakita ng dalawang kilalang landas ng pakikipalitang panlabas ng Tsina na "silkroad" at "maritime silkroad".
Sa huling dako ng palabas, magkasamang inawit nina Liu Huan, lalaking mang-aawit mula sa Tsina at Sarah Brightman, babaeng mang-aawit mula sa Britanya ang theme song ng Beijing Olympic Games na may pamagat na "Ikaw at Ako". Ipinakita ng awit na ito ang tema ng Olimpiyada na "isang mundo, isang pangarap" hinggil sa pagpapalalim ng pagkakaisa at pagkakaibigan ng iba't ibang nasyonalidad ng daigdig.
Sa saliw ng awit, binuksan ng 2008 boluntaryo ang mga payong may mga larawan ng mukha ng mga bata mula sa iba't ibang lugar ng daigdig at nabuo ng kuwitis sa himpapawid ang 2008 mukha ng pagngiti.
Sa pamamagitan ng 3 taong paghahanda at paglahok ng mahigit 10 libong tao, ipinakita ng palabas na pansining ng Beijing Olympic Games ang kulturang Tsino sa buong daigdig.
Pagkaraan ng palabas, sinimulan ang seremonya ng pagpasok sa istadyum ng mga manlalaro. Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Liu Qi, tagapangulo ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games, ang taos-pusong pasalubong sa mga kalahok ng iba't ibang sa Olimpiyada. Anya,
"Ang pagdaraos ng Olimpiyada ay sandaang taong pangarap ng nasyong Tsino. Ang kahalagahan ng Kilusang Olimpik ay pagtitipun-tipon. Ngayong araw, nagtitipun-tipon sa ilalim ng bandila ng 5 rings ang mga tao mula sa 204 na bansa at rehiyon ng daigdig na mula sa iba't ibang nasyonalidad at may nagkakaibang pananampalataya. Pinahihigpit namin ang pagkakaunawaan, pinalalalim ang pagkakaibigan at magkakasamang nililikha ang kabanatang 'isang mundo, isang pangarap'. Tuloy sa Beijing!"
Di-tulad ng mga dating Olimpiyada, ang pagkakasunud-sunod ng pagpasok sa istadyum sa kasalukuyang Olimpiyada ay batay sa bilang ng guhit ng pangalan sa titik na Tsino ng mga delegasyon ng 204 na bansa at rehiyon. Ang paraang ito na may katangiang Tsino ay itinakda ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games at International Olympic Committee sa pamamagitan ng mga beses na konsultasyon.
Bukod sa mga manlalaro, dumalo rin sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games ang mahigit 80 estadista mula sa mga bansa na kinabibilangan nina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, First Gentleman Jose Miguel Arroyo, Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, Punong Ministro ng Thailand, Pangulo ng Biyetnam, Pangulo ng Estados Unidos, Punong Ministro ng Rusya at iba pa.
Ang delegasyong Pilipino na si ay may-dala ng pambansang watawat ay ika- delegasyong pumasok sa istadyum at panghuli naman ang delegasyong Tsino na si Yao Ming, kilalang basketball player, ay may-dala ng pambansang watawat. Pagkatapos nito, magkahiwalay na nanumpa sina Zhang Yining, table tennis player, at Huang Liping, gymnastics judge ng Tsina sa ngalan ng mga manlalaro at tagahatol.
Pagkatapos nito ay kasukdulan ng seremonya ng pagbubukas--pagsisidhi ng sulo ng Olimpiyada. Pagkaraan ng 133 araw at ilang daang libong kilometrong paghahatid, pinarating ang apoy na Olimpik sa Bird's Nest. Sinindihan ang sulo ni Li Ning, kilalang gymnastics athlete ng Tsina.
Pormal na binuksan ang Beijing Olympic Games. Sa susunod na 16 na araw, ang mga manlalaro na galing sa apat na sulok ng daigdig ay magpapakita sa Beijing ng diwa ng Olimpik na "mas mabilis, mas mataas at mas malakas" sa pamamagitan ng kanilang mahusay na performance at ng kaganggata ng Olimpik na mas mahalaga ang pagsangkot sa tagumpay sa pamamagitan ng kanilang aktuwal na aksyon. May dahilan ang mga tao na naniniwalang sa ilalim ng bandila ng 5 rings, ang Beijing Olympic Games ay lilikha ng bagong rekord ng kilusan ng Olimpiyada at magtutugtog ng baong musika ng "kapayapaan, pagkakaibigan at kaunlaran".
|