Noong alas-8 ng ika-8 ng taong 2008, isang sandaling miminoryahin ng sambayanang Tsino habang buhay! Pagkaraan ng sandaang taon paghihintay, pinal na naisakatuparan ng Tsina ang pangarap hinggil sa pagdaraos ng Olympiada. Nakita ko si Mr. He Zhengliang sa seremonya ng pagbubukas. Tinatawag siya Godfather ng Tsina para sa Olympic Games, ang kaniyang buong buhay ay nagsisikap para sa pagdaraos ng Tsina ng Olympiada, sa palagay ko, siya'y pinakamaligayang tao sa 90 libong manood sa Bird's Nest.
Sapul nang matagumpay na i-bid ng Beijing ang pagdaraos ng Olympiada, 7 taon na ang nakararaan, ang 7 taon pagsisikap ng sambayanang Tsino ang lubos na ipinakikita sa palabas sa gabing ito, 29 malaking footsteps mula Yongdingmen hanggang Bird's Nest, ang bawat isa ay nangangahulaugan ng matatag na footsteps ng mamamayang Tsino para sa gawaing preparatoryo ng Olympic Games. Pagkaraan nito, masasabi ng Tsina sa buong daigdig na "Yes, I did it!" Natupad g Tsinaang lahat ng mga pangako na ginawa nito sa daigdig.
Kuganay ng seremonya ng pagbubukas, mayroon din isa pang exciting moment para sa lahat ng mga kawani ng serbisyo Filipino, nang pumasok sa stadium ang delegasyong Pilipino, mataas na itinaas ni Manny Pacquiao ang pamabansang bandila ng Pilipinas. Datapuwa't iilang tao lamang ang delegasyong Pilipino, ngunit sa Olympiada, ang paglahok ay nangangahulugan ng tagumpay. Nananalig akong tiyak na magsisikap ang bawat manlalarong Pilipino hangga't kanilang maari, dahil sa likuran ng kanila, may pagkatig mula sa mahigit 88 milyong Pinoy. Magbibigay sila ng katangi-tanging alaala sa mga manood ng Olympic Games at isasakatuparan ang Olympic Spirit sa pamamagitan ng kanilang walang humapay na paggigiit!
Dumalo rin sa seremonya ng pagbubukas sina pangulong GMA at first gentleman Jose Miguel Arroyo!
|