• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-10 18:23:06    
Seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, tumimo sa buong daigdig

CRI

Noong alas-8 kamakalawa ng gabi, pormal na sinimulan dito sa Beijing ang seremonya ng pagbubukas ng ika-29 na Olimpiyada. Ang maringal na seremonyang ito ay nag-iwan ng napakalalim na impresyon sa mga manood sa iba't ibang lugar ng daigdig. Pinag-uukulan ng mga manonood ng maraming bansa ng napakalaking pansin ang live broadcast ng seremonyang ito at magkakasamang binahaginan ang tuwang dulot ng Olimpiyada.

Buong pagkakaisang pinapurihan ng mga manonood na Kenyan ang maringal na seremonyang ito. Sinabi ni Ginang Mugo Lucy Gathoni na nag-aaral ng wikang Tsino sa Confucius Institute ng Nairobi University na,

"Tuwang-tuwa akong nakita ang pagdidispley ng mga mamamayang Tsino ng kanilang kultura, dahil nakita namin ang maraming bagay na may kinalaman sa kulturang Tsino na gaya ng taijiquan. Ang mga bagay na ito ay ipinamana ng Tsina sa hene-henerasyon at umiibig ako sa mga bagay na tulad nito."

Sa Mexico City, tumimo sa maraming manonood na Mexican ang kulturang Tsino na idinispley sa seremonyang ito. Ang 50 taong gulang na si Jose Carcia ay tagapangulo ng isang middle school sa Mexico City, sinabi niya na,

"Sa tingin ko, ang seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games ay magiging pinakamahalagang palabas sa kasaysayan ng Olimpiyada. Ipinakikita nito ang pag-oorganisa, disiplina, kulturang panlahi, diwang panlahi at 4 na pangunahing inobasyon ng mga mamamayang Tsino. Lalong lalo na, ipinakikita ng naturang seremonya ang nilalaman hinggil sa Confucius, kahanga-hangang guro ng buong sangkatauhan. Pinakamahusay ang seremonyang ito sa kasaysayan ng Olimpiyada."

Sa embahada ng Tsina sa London, sinabi ni Gorden Slaven, isang opisyal ng Samahan ng kultura ng Britanya na,

"Napakaganda at napakaringal ng seremonyang ito. Ang mga elementong ito ay mga bagay na inaasahan kong dapat idispley ng Tsina, maging mas maganda kaysa pag-asa ko. Makulay, maringal at katangi-tangi ang nasabing seremonya at idinispley nang mahusay nito ang habang kasasayan at maluningning na kultura ng Tsina at kaakit-akit ang paraan ng pagdidispley."

Ipinalalagay naman ni Ginoong Gabriele Licitra sa Italya na maaaring baguhin ng nabanggit na seremonya ang impresyon ng mga mamamayang dayuhan sa Tsina.

"Nanood ako sa buong proseso ng seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Makukulay ang Bird's Nest, Water Cube at bawat sulok ng Beijing at walang tigil na bumago ang kulay, napakaganda nito. Kaibig-ibig naman ang mga batang kumakatawan sa 56 na lahi ng Tsina. Sa pamamagitan ng seremonyang ito, nakikita namin ang bagong imahe ng Tsina sa daigdig."

Sa Ehipto naman, nagtipon-tipon sa Sentro ng Kulturang Tsino sa Cairo at magkakasamang nanood sa seremonyang ito ang mahigit 100 tagapakinig ng China Radio International at mga bumabasa ng magasing China Today. Ipinahayag ni Ginang Hanan Osman, isang tagapakinig ng CRI, ang kanyang tuwa sa wikang Tsino,

"Mga giliw na kaibigan, umaasa kaming magiging isang Olimpiyadang may katangia't mataas na lebel ang Beijing Olympic Games at gagawa ito ng ambag para sa pagpapasulong sa palakasang Olimpik at pagpapasulong sa kapayapaan, komong kasaganaan at harmonya ng daigdig."