Si 37 taong gulang na Eric Ang ay Pilipinong Olimpikong manlalaro ng pamamaril at siya ay pinakamatandang manlalarong Pilipino sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing. Isinilang si Ang noong ika-2 ng Pebrero, 1971 sa Lunsod ng Laoag.
Napasakamay ni Ang ang medalyang ginto sa tambang ng pamamaril sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2003 sa Biyetnam, medalyang pilak sa Timog Silangang Asya 2005 sa Pilipinas, medalyang pilak din sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2007 sa Thailand at medalyang tanso naman sa Palaro ng Asya 2002 sa Busan.
Noong una at ika-2 araw ng Palarong Olimpiko sa Beijing (ika-9 at ika-10 ng Agosto), lumahok si Ang sa paligsahan ng tambang at nakatapos sa ika-35 puwesto sa iskor na 106 na puntos.
|