Nakipagtagpo noong Sabado sa Beijing si pangulong Hu Jintao ng Tsina kay pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas na dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Ipinahayag ni Hu na ang Pilipinas ay isang mahalagang kasapi ng ASEAN. Nakahanda anya ang Tsina na pahigpitin ang kooperasyon nila ng Pilipinas para mapasulong ang pagtamo ng bagong bunga ng estratehikong pagtutulungan ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Arroyo na ang relasyong Sino-Pilipino ay isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon ng Pilipinas. Umaasa anya ang Pilipinas na palalalimin at palalawakin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa iba't ibang larangan. Iniharap din ni Arroyo na aanyayahan ang 100 bata na galing sa nilindol na Sichuan ng Tsina para bumisita sa Pilipinas.
Nakipagtagpo noong Huwebes sa Beijing si Wu Bangguo, tagapangulo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, sa mga panauhing dayuhan na nandito sa Beijing para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Sa kanyang pakikipagtagpo kay pangulong Choummaly Sayasone ng Laos, ipinahayag ni Wu na nakahanda ang NPC na lalo pang palalimin ang pakikipagkooperasyon sa parliamento ng Laos at ibigay ang bagong ambag para sa komprehensibong pag-unlad ng bilateral na relasyon. Ipinahayag naman ni Choummaly na nakahanda ang kanyang bansa na walang humpay na palalimin ang pangkaibigang pakikipagpalitan at pakikipagkooperasyon sa Tsina at umaasa niyang magtatamo ng kasiya-siyang tagumpay ang Beijing Olympic Games.
Nakipagtagpo noong Huwebes sa Beijing si Jia Qinglin, tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, sa mga panauhing dayuhan na nandito sa Beijing para lumahok sa seremoniya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Sa kanyang pakikipagtagpo kay Nguyen Minh Triet, pangulo ng Biyetnam, ipinahayag ni Jia na sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa, natamo ng kanilang relasyon ang bagong progreso nitong ilang taong nakalipas. Nakahanda ang Tsina, kasama ang Biyetnam, na walang humpay na pasulungin ang kanilang komprehensibo at estratehikong partnership. Ipinahayag din niyang nakahanda ang CPPCC na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Vietnam Fatherland Front. Sinabi naman ni Nguyen na nakahanda ang partido at pamahalaan ng Biyetnam na walang humpay na palawakin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina para pasulungin ang komprehensibo at malalim na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Nakipagtagpo noong Huwebes sa Beijing si pangalawang pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga dayuhang lider na nandito para dumalo sa seremoniya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Sa kanyang pakikipagtagpo kay Lee Kuan Yew, Minister Mentor ng Singapore, sinabi ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon nila ng Singapore at nakahandang lalo pang palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang panig sa iba't ibang larangan para maghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Positibong pinahahalagahan ni Lee ang bunga ng pag-unlad ng Tsina at ipinahayag niyang nakahanda ang Singapore na pasulungin, kasama ng Tsina, ang relasyon ng dalawang bansa.
Nagpadala ng noong Biyernes si Yang Jiechi, ministrong panlabas ng Tsina, sa kaniyang counterpart na si Tej Bunnag ng Thailand - kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN - bilang pagbati sa ika-41 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN. Tinukoy ng mensahe na ang pagpapalakas ng estratehikong partnership na Sino-ASEAN ay itinakdang patakaran ng pamahalaang Tsino. Buong tatag na palalakasin ng Tsina ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan nila ng mga bansang ASEAN sa iba't ibang larangan, pasusulungin ang malalimang pag-unlad ng kanilang estratehikong partnership, kakatigan ang konstruksyon ng integrasyon ng ASEAN at pagpapatingkad ng ASEAN ng namumunong papel sa kooperasyong panrehiyon, magsisikap kasama ng ASEAN, para makapagbigay ng bagong ambag sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kasaganaang panrehiyon.
Dumalaw noong Huwebes sa China Radio International o CRI si Tan Yan, puno ng Pambansang Istasyon ng Radyo ng Kambodya. Ikinalulugod ni Tan ang kanyang pagdalo sa seremonya ng pagbubukas. Sinabi niyang pangmatagalan ang pagkakaibigan ng Kambodya at Tsina at nitong mahabang panahong nakalipas, gumawa ang kanyang istasyon ng maraming gawain para sa pagpapahigpit ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Nakipagtagpo kay Tan si Wang Yunpeng, Pangalawang Puno ng CRI at nilagdaan din nila ang kasunduang may kinalaman sa pagpapalitan at pagtutulungan.
Isinalaysay noong isang linggo ni Li Jinzao, Pangalawang Puno ng Lupong Tagapag-organisa ng China-ASEAN Expo, na sa kasalukuyan, maalwan ang iba't ibang gawaing paghahanda ng ika-5 ekspong ito at ang bilang ng mga exhibition booth ng mga bansang ASEAN ay magiging pinakamalaki sa kasaysayan. Sinabi ni Li na sa kasalukuyang ekspo, uupa ng mga eksklusibong exhibiton pavilion ang Kambodya, Indonesya, Malaysia, Myanmar, Thailand at Biyetnam at umabot na sa mahigit 1100 ang bilang ng mga exhibition booth ng mga bansang ASEAN na lumampas na sa nagdaang ekspo. Idaraos sa Nanning ang ika-5 China-ASEAN Expo mula ika-22 hanggang ika-25 ng Oktubre ng taong ito.
Nilagdaan noong Lunes sa Singapore ng ABC, Agricultural Bank of China at SGX, Singapore Exchange, ang memorandum sa estratehikong kooperasyon. Ayon sa kasunduang ito, magbibigay-tulong ang SGX sa paglista ng mga bahay-kalahal ng Tsina sa stock market ng Singapore sa pamamagitan ng platapormang pinansyal ng ABC. Napag-alaman, ito ay kauna-unahang kooperasyon sa negosyo ng ABC at SGX.
|