Si Hidilyn Diaz, ipinanganak noong ika-20 ng Pebrero, 1991, ay isang Pilipinang Olimpikong manlalaro ng pagbuhat ng mga pabigat mula sa Zamboanga. Nakakuha si Diaz ng isang medalyang tanso sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2007 sa Thailand at nakatapos sa ika-10 puwesto sa Palaro ng Asya 2006 sa Doha sa 53kg. Si Diaz ngayon ay mag-aaral ng Universiad de Zamboanga.
Noong ika-3 araw ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing (ika-11 ng Agosto), lumahok si Diaz sa 58kg kababaihan at nakatapos sa ika-11 sa mga 12 kalahok sa iskor na 192kg.
|