Sa kasalukuyan, tumatakbo ang ika-29 na Olimpiyada sa Beijing. Ang mga hospitableng naninirahan ng Beijing na taglay ang marubdob na kasiglahan ay sumasangkot sa ganitong maringal na pistahang pampalakasan at sa kanila'y kinabibilangan ng halos 100 libong tsuper ng taxi. Upang maglingkod sa Olimpiyada, ang naturang mga tsuper ay masikap na nag-aral ng wikang Ingles para pataasin ang kanilang lebel ng serbisyo at umaasa silang sasalubong sa mga panauhing galing sa apat na sulok ng daigdig sa pinakamasigla at pinakamaingat na serbisyo.
Si Meng Hanguang ay isang boluntaryong tsuper ng taxi sa Olimpiyada. Tuwing umaga, naglilinis siya ng kaniyang taxi para tanggapin ang mga panauhin at bukod dito, lagi siyang lumalahok sa mga may kinalamang pagsasanay sa Ingles.
"Para lalong mabuting paglilingkod sa Olimpiyada, espesyal na idinaos ng aming kompanya ang English training class para sa amin, dahil ang ilang simpleng diyalogong Ingles ang makapagpalapit ng agwat sa pagitan namin at mga pasahero."
Upang mas mabuting maglingkod sa Olimpiyada, masikap na nag-aral si Meng ng wikang Ingles at malaki ang natamo niyang progreso sa pagsalita ng Ingles. Sa kasalukuyan, siya'y hindi lamang nagmamaster ng basic English at nakipagpapalitan sa mga dayuhang panauhin sa simpleng English, kundi may kaya siyang magkuwento sa kanila ng kasaysayan ng Beijing.
Si Meng ay pinili, mula sa halos 10 libong tsuper ng kaniyang kompanya, na boluntaryong tsuper ng Olimpiyada na nakapasa ng mga mahigpit na pagsusulit. Sinabi ni Meng na napakahigpit ng pagpili sa kanilang mga tsuper. Dapat silang may mahigit 5 taong karanasan sa pagmamaneho, walang anumang rekord sa paglabag sa rekulasyong pamkomunikasyong noong ilang taong nakalipas at may ilang saligang karunungan sa wikang Ingles. Bukod dito, upang mapaginhawa ang mga pasahero, pinakamahigpit ang kahilingan sa kahusayan ng mga truper sa pagmamaneho.
Kaugnay ng Olimpiyadang ito na idinaraos sa kaniyang lupang-tinubuan, puno ng ekspektasyon si Meng. Sumulat siyang mismo ng isang munting aklat na may mapa ng mga stadium ng Olimpiyada na minamarkahan ng ngalan nito sa wikang Tsino at Ingles at paliwanag ukol sa pinakamahusay na ruta patungong sa iba't ibang stadium at iba pa. ipinamahagi niya ang mga aklat na ito sa kanilang kasama. Sinabi ni Meng na
"May maraming stadium sa Olimpiyada, dapat maging pamilyar na pamilyar kayo sa impormasyon sa bawat venue: saan ang pagdaraos ng football event, saan ng swimming event? Bilang isang mahusay na truper, dapat malaman ang pinakamabuting ruta, basta banggitin mo ang pangalan ng venue."
Maraming gayong tsuper na naglilingkod sa Olimpiyada na katulad ni Meng at sila'y masigla, hospitable, masipag at mabait at masasabing isang simbol ng buong hospitableng naninirahan ng Beijing. Si Zhang Zheng ay beteranong tsuper, sinabi niya na kahit makaranasan siya sa pagmamaneho, nakikinabang din siya sa pagsasanay sa mga tsuper ng Olimpiyada.
Upang likhain ang mabuting kapaligiran para sa Olimpiyada, sapul noong Mayo ng taong ito, komprehensibong ipinagbawal ang paninigarilyo sa lahat ng lugar na pampubliko at sa taxi. Sinabi ni Zhang na kahit naninigarilyo siya, lubos na kinakatigan ang pagbawal na ito. Sa kaniyang tingin, ang pangangalaga sa mabuting kapaligiran ng pagsakay ay tungkulin ng mga tsuper at ikinasisiya niya ang pagkaunawa ng mga pasahero ukol rito.
Sinabi ni Zhang na bukod ng pagtulong sa pagpapabuti ng kapaligiran at pagasasagawa ng iba't ibang pagsasanay ng Olimpiyada, nagkaloob pa ang mga departamento ng pamahalaan ng Beijing ng mga serbisyo sa mga tsuper ng taxi para tulungan sila sa pagharap sa iba't ibang insidente.
Upang mas mabuting maglingkod sa Olimpiyada, dapat lumahok si Zhang sa pagsasanay at ito ay may ilang epekto sa kaniyang pagkita, pero hindi niya pinag-uukulan ng espesyal na pansin. Sinabi niya na ang Olimpiyada ay isang mabuting pagkakataon para sa Beijing at mga tsuper ng taxi at sa pangmalayuang pananaw, magdudulot ito sa kanila ng mas malaking kita. Sa tingin niya, ang paglilingkod sa Olimpiyada ay isang karangalan at ang isang tungkulin naman. Sinabi niya na
"Sa palagay ko, ang Olimpiyada ay magbibigay ng pagkakataon sa aming iba't ibang industriya at magpataas ng aming lebel sa serbisyo."
|