• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-12 16:19:52    
Kalinisan at katwiran ng Olimpiyada, dapat pangalagaan

CRI

Ang isyu ng doping ay lumitaw noong katapusan ng ika-19 na siglo at sapul noon, laging nakalambong ito sa palakasan. Maraming beses na binigyang-diin ni Jacques Rogge, Puno ng Pandaigdig na Lupong Olimpik o IOC, na sa ilalim ng prinsiyong "zero tolerance", dapat pag-ibayuhin ng Beijing Olympic Games ang paglaban sa doping.

Sa 1968 Summer Olympics, sa kauna-unahang pagkakataon, sinimulan ang pagsusuri sa doping. Sapul noon 40 taon na ang nakaraan, nananatili pa ring mahigpit ang kinakaharap na hamon ng Beijing Olympic Games laban sa doping. Ang pagpapaibayo ng paglaban sa doping ay hindi lamang kahilingan ng IOC, kundi maging determinasyon ng Tsina at pananabik ng buong daigdig. Kaugnay nito, ganito ang sinabi ni G. Rogge.

"Nagpupunyagi tayo para sa luntia't walang doping na Olimpiyada. Ikinapopoot ko ang doping. Nakakasira ito ng karangalan ng palakasan. Sa palakasan, iginagalang natin ang resulta at puwesto sa paligsahan, pero, kung ang resulta at puwesto ay hindi natamo sa pamamagitan ng masipag na pagsasanay, walang saysay ito. Bukod dito, ang doping ay mapanganib sa kalusugan ng mga atleta, kaya, dapat nating pangalagaan ang mga atleta."

Upang mapalusog ang atmospera ng Beijing 2008 Olympic Games at makibaka sa doping, ang Lupong Olimpik ng Tsina ay seryosohang nagpapatupad ng World Anti-Doping Code at bumalangkas ng isang serye ng mahihigpit na hakbangin. Tungkol dito, ganito ang tinuran ni IOC Medical and Science Director Patrick Schamasch.

"Sa kasalukuyang Beijing Olympic Games, 4500 doping tests ang inaasahang isasagawa sa proseso man o pagkatapos ng pagligsan. Makakalikha ito ng rekord. Kung ihahambing sa 2004 Athens Olympics, tumataas ito ng 25% at kumpara naman sa 2000 Sydney Olympics, tumataas ito ng 90%."

Kasabay nito, sa Beijing Olympic Games, kung mapapatunayang positibo ang doping test, papatawan ang atleta ng pinakamabigat na parusa kumpara sa dating mga Olimpiyada. Halimbawa, iyong mga atletang pinapatawan ng 6 na buwang pagbabawal sa paglahok sa paligsahan ay pagbabawalan ding lumahok sa 2012 London Olympic Games.

Kasabay nito, ginagamit din ng Beijing Olympic Games ang haytek laban sa doping. Sa Beijing, naitatag ang kauna-unahang gender determination lab. Meron ding primerang klaseng doping test center ang Tsina at sapul nang itatag ito noong taong 1989, binibigyan ito ng akreditasyon ng IOC at World Anti-Doping Agency o WADA bawat taon.

Ang prinsipyong "zero tolerance" sa doping ay suportadong suportado ng mga atletang kalahok sa kasalukuyang Olimpiyada. Sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, sa ngalan ng lahat ng mga Olympian, solemnang nanumpa ang kinatawang atleta na si Zhang Yining.

"Sa ngalan ng lahat ng mga atleta, nanunumpa ako na alang-alang sa karangalan ng palakasan, lalahok kami sa Beijing Olympics nang may taglay na spirit of sportsmanship, igagalang namin ang mga regulasyon ng iba't ibang paligsahan at magsisikap kami para sa isang walang doping na Olimpiyada."