Mainit na pagsalubong sa 2008 Beijing Olympic Games. Iyong sinasabi nilang "one world, one dream" ay malapit nang ma-realize. Muling mapapatunayan sa Beijing Olympics na maari rin tayong magtagisan ng lakas in a friendly way. At kung magagawa natin ito sa mga paligsahang tulad ng Olympics, maari rin natin itong gawin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Minda Gertos Manila
Mabuhay sa 29th Olympiad. Talagang maaasahan ang Beijing sa pag-o-organize ng international competitions. Feel ko na ang excitement ng Games at kita ko na ang the first green Olympics ever. Congratulations sa lahat ng nasa likod ng Beijing Games na ito. You deserve our kudos.
Ning de Mesa San Andres, Manila
Congratulations sa China at sa lahat ng mga kaibigang Chinese. Maganda ang inyong concept ng Summer Games sa Beijing. Makakakita ang mga tao sa buong daigdig ng Olympics na ang background ay cutting-edge technology. Ibang iba ito sa lahat ng mga nakaraang Olympics. Bless you!
Danny Picasso Sta. Ana
|