Sinabi kahapon sa Beijing ni Ginoong Wang zhifa, pangalawang director ng China National Tourism Administration o CNTA na alinsunod sa karaniwang kalagayan ng mga nakaraang Olimpiyada sa kasaysayan, pagkatapos ng Beijing Olympic Games, lilikha ng bagong rekord ang bilang ng mga turista dumiretso sa host at co-host city ng Olimpiyadad na gaya ng Beijing, Qingdao at iba pa. Sa harap ng darating na kasukdulan ng paglalakbay, gumawa na ng komprehensibong paghahanda ang mga may kinalamang departamento ng Tsina para rito. Isiniwalat din niyang, simula ng Agusto sa taong ito, nananatiling malaki ang bilang ng mga manlalakbay na dayuhan sa Beijing at mga co-host city ng Olimpiyada, at maalwang nagsasagawa ang iba't ibang gawain sa pagtatanggap.
Nitong ilang taong nakalipas, ang industriyang panturista ay nagsisilbing pangunahing industriya sa pambansang kabuhayan ng Tsina at bumubuo ito, sa kasalukuyan, ng 4% ng GDP ng bansa. Ayon sa estadistika, umabot sa 132 milyon person-time, noong 2007, ang mga turistang galing sa labas ng Tsina na nasa ika-4 na puwesto sa daigdig. Bilang punong abala ng ika-29 Summer Olympic Games, ang Tsina ay nagiging destinasyon ng mga turistang dayuhan.
Sa isang preskong idinaos kahapon sa international imformation center ng Bejing, ipinahayag ng naturang namamahalang tauhan ng CNTA na, sa kasalukuyan, maalwan ang gawain sa pagtatanggap ng mga turista sa host at co-host city ng Beijing Olympic Games. Sinabi niyang mataas ang booking rates sa mga nakontratang hotel ng Olimpiyada. Mula unang araw ng buwang ito hanggang sa araw ng pagbubukas ng Olimpiyada, nanatili pa ring mataas ang hotel occupancy rate sa Beijing at mga co-host city sa Olimpiyada. Hanggang noong ika-11 ng Agusto, 175 grupong panturista, na binuo ng 6350 tao, para sa Olimpiyada na galing sa labas ng Tsina ang tinanggap ng mga may kinalamang lunsod ng Tsina.
Sinabi niyang kahit mabilisang lumalaki ang bilang ng mga turistang dayuhan sa Tsina sa panahon ng Olimpiyada, hindi pa itong umabot sa pinakamataas na lebel. Ayon sa pagsalaysay, nagbabago ang kalagayan ng pagbuo ng mga manlalakbay na dayuhan dahil sa Olimpiyada. Noong Enero hanggang Hulyo, ang karamihan nila ay karaniwang manlalakbay sa Tsina; sa Agusto naman, sila ay, pangunahin na, mga kalahok at manonood ng Olimpiyada.
Tinukoy ni Wang na alinsunod sa pagsisiyasat at pag-aaral ng CNTA, matapos ang Olimpiyada, lilitaw ang tourism peak ng mga manlalakbay na dayuhan sa host at co-host city. Kaya, magaganap din ito sa Tsina. Kaugnay dito, maingat na paghahanda ang isinagawa na ng departamentong panturista ng Tsina.
Sinabi niyang ang kasalukuyang taon ay itinakda namin na taong panturista ng Olimpiyada at nagsagawa ang mga may kinalamang departamento ng maingat na paghahanda na gaya ng pagpapakumpleto ng impraestrukturang panturista at pasilidad ng serbisyong pampubliko, pagpapabuti ng konstruksyon ng pasilidad sa iba't ibang lugar na panturista at paggagalugad ng mga bagong programang panturista. Ibig sabihing, pagkatapos ng Olimpiyada, tataas ang kalidad at kakayahan ng Tsina sa resepsyong panturista.
Ipinahayag din ni Wang zhifa na nanalig siyang, pagkatapos ng Olimpiyada, malakihang tataas ang lebel ng serbisyong panturista sa Beijing at mga co-host city, at magiging mas istandardisado ang pamilihang panturista.
|