Sa paghatid ng sulo ng Beijing Olympic Games sa stop na Tangshan noong ika-31 ng nakaraang buwan, umakit ng pansin ng maraming tao ang ika-99 na Olympic Torchbearer na si Michelle Florcruz, isang 18 taong gulang na Pinay dahil sa kanyang maningning ngiti.
Sinabi ni Michelle na totoo siyang "Made in China". Kahit isinilang siya sa Pilipinas, lumaki siya sa Beijing sa tabi ng kanyang mga magulang. Lubos na niyang gustong mag-aral ng kultura at kasaysayan ng Tsina at ang buong pamilya niya ay nagustuhan sa kanilang pamumuhay dito sa Beijing. Sinabi ni Michelle na:
"Lumalaki ako dito sa Beijing at ang lahat ng aking memorya ay hinggil dito. Labis na nagugustuhan ko ang pamumuhay sa Beijing, nag-aaral ako sa isang international school, at ang aking mga kaklase ay mula sa iba't ibang bansa ng daigdig. Gusto ko ang pakiramdam ng pagka-internasyonal, tulad ng Olimpiyada---nagtitipun-tupon ang mga atleta mula sa apat na sulok ng mundo para sa isang target."
Noong Setyembre ng nakaraang taon, magkasanib na idinaos ng Lenovo at China Daily ang isang aktibidad na pagpili ng Olympic Torchbearer mula sa mga dayuhang namumuhay sa Tsina. Nagparehistro si Michelle at ang kanyang tatay. Dahil nakatira sila sa Tsina sa maraming taon at ito ang kanilang ikalawang lupang tinubuan. Kung maaaring magkasamang ihatid nila ang Olympic Torch, tiyak na magiging isang di-nakalilimutang karanasan nila sa buong buhay. Pagkatapos ng mahigpit na pagpili, naging isang Olympic Torchbearer si Michelle sa wakas. Hanggang ngayon, natandaan pa niya ang kanyang masiglang damdamin noon. Sinabi niyang:
"Noong panahon iyon, nasa paaralan ako. Tinawagan ako ng tatay at nagsasabing ipapadala ako ng Lenovo sa Tangshan para ihatid ng Olympic Torch. Masayang-masaya ako."
Sa aktibidad ng balloting sa internet, natamo ni Michelle ang malaking pagkatig ng mga kababayang Pilipino, pinasalamatan niya ang hinggil dito. Sinabi niyang:
"Nagbigay ang mga kababayang Pilipino ng malaking pagkatig sa akin. Bumoto sila sa akin at naki-usap pa sila sa iba na bumuto sa akin."
Hinggil sa paghatid ng sulo ng Beijing Olympic Games at sulong "Xiangyun", may sariling paglagay si Michelle. Sinabi niyang:
"Ang paghatid ng sulo ng Olimpiyada sa 5 kontinente ay isang napakabuting ideya. May hawak na parehong sulo ng Olimpiyada ang mga tao ng iba't ibang lahi at mabuti nitong ipinakikita ang pagkakaisa ng iba't ibang bansa. Nagustuhan ko ang disenyo ng Olympic Torch dahil puno ito ng elementong Tsino at moderno pa."
Mahilig din si Michelle sa palakasan at siya ay isang manlalaro sa kanyang paaaralan. Sina Manny Pacquiao ng Pilipinas at Yao Ming ng Tsina ay kanyang paboritong manlalaro. Sinabi niyang:
"Ako ay matapat na tagahanga ni Pacquiao. Sa Beijing, laging nanonood ang aking buong pamilya ng kanyang paligsahan ng boxing. At sa palagay ko, si Yao Ming ay pinakamabuting manlalaro sa Tsina. Nakita ko siya sa tanggapan ng tatay ko, talagang matangkad siya. Sa paaralan, gusto kong maglaro ng football at softball. Samantala, gusto kong manood sa paligsahan ng baseball, swimming at basketball."
Sa panahon ng 2008 Beijing Olympic Games, bibigyan ni Michelle ng serbisyo ang mga medyang dayuhan bilang isang boluntaryo. Hinggil sa Beijing Olympic Games, sinabi niyang:
"Nais kong mag-cheer-up for koponang Tsino, koponang Pilipino at koponang Amerikano. Umaasa akong may perfect na performance ang bawat na manlalaro, maalwang idaraos ang Beijing Olympic Games at lubos na makapagtatamasa ang mga residente ng Beijing ng pakiramdam ng pagiging punong-abala."
Ang Tangshan ay isang magandang lunsod na itinatag muli pagkatapos ng lindol noong 1978. Maraming Beijing Olympic Torchbearer sa Tangshan ang mga bayani sa gawaing panaklolo ng lindol. Lubos na iginagalang ni Michelle ang mga bayani, sinabi niyang itinuturing ng kanyang sarili at pamilya ang kanilang sarili na miyembro ng Tsina. Tuwang dinadalaw ang Tsina ng kapahamakang pangkalikasan, ikinalulungkot nila na tulad ng mga Tsino at gumagawa ng lahat para tulungan ang mga biktima. Noong 2000, nakaranas ang Tsina ng SARS, pinili ang kanyang pamilyang manatili sa Beijing para labanan ang SARS. Sinabi ni Michelle na:
"Ang Beijing ay aming pamilya. Nananalig kaming kung magkakaisa ang bawat na miyembre ng pamilyang ito, tiyak na mapagtatagumpayan ang SARS. Noong panahon iyon, nag-abuloy ako ng aking pocket money para katigan ang mga doktor at nars. Para rito, sinulatan kami ni alkalde Wang Qishan ng Beijing bilang papuri."
Pagganap ng napakalakas na lindol sa Sichuan noong ika-12 ng Mayo, tumulong din ang kanyang pamilya sa mga biktima. Sinabi niyang:
"May itinagtag sa aming paaralan ang isang espesyal na grupo para kalapin ang abuloy at nag-abuloy kami ng mga damit, pagkain at cash. Nag-abuloy din ang aking pamilya ng cashi sa Red Cross Society para tumulong sa mga mamamayan ng mga nilindol na purok. Nais kong sabihin sa mga mamamayan ng nilindol na purok na totoong mahirap ang pamumuhay. Ngunit kung buong tibay na mananagan kayo ng pag-asa at pagtatatyaga, tiyak na magiging mas maganda ang hinaharap."
Sa susunod na buwan, pupunta si Michelle sa E.U. para mag-aral sa unibersidad doon. Ikinalulungkot niya ang pag-alis sa Tsina, pinagmamahal niya ang alaala sa pamumuhay dito sa Tsina sa mahabang panahon at sa kanyang paghatid ng Beijing Olympic Torch sa Tangshan. Tiyak na madalas na babalik dito sa Tsina. Sinabi niyang:
"Tiyak na pinagmamahal ko ang alaala sa Beijing. Sa katotohanan, sa sandaling isinaalang-alang ko ang aking pag-aalis, nagsimula na akong umualaala na. Talagang isang napakahirap na kapasiyahan para sa akin na luminsan ng Beijing nang gayong mahabang panahon."
|