Si Mark Javier, ipinanganak noong ika-20 ng Oktubre, 1981, ay isang Pilipinong Olimpikong mamamana mula sa Lunsod ng Dumaguete.
Napasakamay ni Javier ang medalyang ginto sa pamamanang koponan sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2005 sa Pilipinas at medalyang tanso sa pamamanang koponan sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2007 sa Thailand. Lumahok naman siya sa pamamanang pangisahan sa Palaro ng Asya 2006 sa Doha at nakatapos sa ika-9 na puwesto.
Noong unang araw ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing (ika-9 ng Agosto), lumahok si Javier sa yugto ng ranggo ng pamamanang pangisahan at nakatapos sa ika-36 sa mga 64 na kalahok. Noong ika-5 araw (ika-13 ng Agosto), lumahok siya sa yugto ng 64 at natalo ni Kuo Cheng Wei ng Chinese Taipei sa iskor na 102 sa 106.
|