• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-14 14:40:03    
Miguel Molina sa paglalangoy

CRI
Si Miguel Molina, isinilang noong ika-22 ng Hulyo, 1984, ay isang Pilipinong Olimpikong manlalangoy mula sa Lunsod ng Quezon at nag-aaral ngayon siya sa UCLA.

Lumahok si Molina sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2003 sa Biyetnam at napasakamay ang 2 medalyang tanso sa 100-meter freestyle at 400-meter freestyle, 1 medalyang pilak sa 400-meter individual medley at 1 medalyang ginto sa 200-meter freestyle. Sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2005 sa Pilipinas, nanalo niya ang 3 medalyang ginto sa 400-meter individual medley, 200-meter individual medley, at 200-meter breaststroke, 1 medalyang pilak sa 200-meter freestyle at 1 medalyang tanso sa 4x100-meter medley. Natamo naman niya ang 4 na medalyang ginto sa 200-meter breaststroke, 200-meter individual medley, 400-meter individual medley at 4x100-meter relay, 1 medalyang pilak sa 400-meter freestyle at 1 medalyang tanso sa 200-meter freestyle sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2007 sa Thailand.

Kumatawan si Molina sa Pilipinas sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004 sa Athens. Nakatapos siya sa ika-42 puwesto sa 200-meter freestyle, ika-38 sa 200-meter breaststroke, ika-33 sa 200-meter individual medley at ika-43 sa 400-meter individual medley.

Noong ika-4 na araw ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing (ika-12 ng Agosto), lumahok si Molina sa 200m breaststroke at nakatapos sa ika-47 sa 53 na kalahok. Noong ika-5 araw naman (ika-13 ng Agosto), lumahok siya sa 200m individual medley at nakatapos sa ika-27 sa 47 na kalahok.