• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-14 14:40:45    
Atletang Laosyano na nag-aaral ng wikang Tsino sa Olympic Village

CRI

Si Philailak Sakpaserth ay isang atletang Laosyano na lalahok sa 100m dash ng Beijing Olympic Games, idaraos ang kanyang paligsahan sa ika-16 ng buwang ito. Kamakailan, sa panahon ng pagpapahinga, nag-aaral siya ng wikang Tsino sa Olympic Village.

Bawat araw, pagkatapos ng hapunan, pumupunta si Philailak sa silid-aralan ng wikang Tsino sa loob ng Olympic Village, ang diyalogo na naririnig ninyo ay itinuturo ng boluntaryo kay Philailak ang pagsulat ng wikang Tsino sa pamamagitan ng writing brush.

Sinimulang mag-aral si Philailak ng wikang Tsino nitong kalahating taong nakalipas. Masyadong simple ang dahilan ng pag-aaral ng wikang Tsino niya ay lumahok sa Beijing Olympic Games, sinabi niyang:

"Desidido akong mag-aral nang mainam ng wikang Tsino bago ang paglahok sa Beijing Olympic Games sa Beijing, iilang lamang ang guro ng wikang Tsino sa Laos at napakataas ng bayad, tinuturuan ako ng isang Chinese-Laosyano. Mahusay siya sa pagsasalita ng wikang Tsino."

Para kay Philailak, ang pinakamahirap sa pag-aaral ay pagsulat ng karekter na Tsino, dahil nagkakaiba ang bawat titik at mahirap para tandaan. Pero, bukod sa pagsulat, mahusay si Philailak sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa. Sinabi niyang:

"Nakakasulat ako pero hindi ko natatandaan. Sa katunayan, kung matatandaan ko ang pagsulat ng tiktik na Tsino, hindi na mahirap para sa akin ang wikang Tsino. Dahil para sa mga mamamayan ng Laos, napakadali ng gramatika ng wikang Tsino, hindi katulad ng Igres, may maraming pagbabago."

Nalaman ni Philailak na may isang lugar sa Olympic village na nag-alok ng walang bayad na pagtuturo ng wikang Tsino sa programang Ingres ng China Central Television o CCTV-9 bago ang pagsadya sa Tsina. Maari siyang patuloy na mag-aaral ng wikang Tsino sa Olympic Village, aniya, tuwang-tuwa siya:

"Bago pumarito sa Tsina, nanood ako ng mga programa ng CCTV-9, nalaman kong may lugar sa Olympic village kung saan ituturo ang wikang Tsino. Kaya, agarang pumarito ako pagkatapos dumating ako ng Olympic Village."

Pumarito ngayong araw sa silid-aralan, may isang pangarap si Philailak. Gusto niyang may isang pangalang Tsino. Nauna rito, pinangalanan siya ng "fenfen" batay sa tunog ng kanyang nikename "first", sa wikang Tsino, nangangahulugan itong mabango, mahalimuyak. Talagang gustong gusto niya ang ganitong pangalang Tsino, pero, gusto pa niyang may isang apelyidong Tsino. Sa paglahok sa Beijing Olympic Games, gustong matupad niya ang pangarap na ito.

Pagkaraan ng paulit-ulit na konsiderasyon, ipinasiya ni Philailak na tinanggap niya ang apelyidong Sun, dahil, Sun ay surname ni Monkey King Sun Wukong.

Pagkaraang ipasiya ang kanyang surname na Tsino, humingi si Philailak sa mga boluntaryo na turuan siyang sumulat ng kanyang pangalan sa papel.

Pagkaraan nito, itinaas niya ang kanyang katha at binasa:

"Ako si Sun Fenfen, minamahal ko ang Tsina."

Sinabi sa mamamahayag ni Philailak na lubos na naipakita ang kalamangan sa pag-aaral ng wikang Tsino sa Beijing. Sinabi niyang:

"Sa Olympic village, "ni hao", "xie xie", ganitong madaling wikang Tsino lamang ang ginagamit, pero, sa labas ng Olympic village, ang kalamangan ko sa wikang Tsino ay lubos na ipinakikita. Pumunta ako sa pamilihan kahapon, nakapagtawad ako sa wikang Tsino at nagsilbi pa na tagasalin ng iba pang tao. Lubos na kapaki-pakinabang ang wikang Tsino, patuloy na mag-aaral ako."