• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-15 15:40:36    
Mabuti pang makita nang minsan kaysa marinig nang ilang daang beses

CRI

Nakatatawag ng pansin ng buong daigdig ang ika-29 na Olympic Games na idinaraos sa Beijing, kabisera ng Tsina at nagtipon sa Beijing ang napakaraming dayuhan na kinabibilangan ng mahigit 10 libong manlalaro at tagasanay, mahigit 80 lider ng bansa, puno ng pamahalaan at kinatawan ng royal family, mahigit 30 libong mamamahayag ng iba't ibang bansa at mahigit sampung daang libong dayuhang turista.

Ang mga hospitableng mamamayang Tsino ay nagpapakita ng kanilang pagtanggap sa mga dayuhang kaibigan sa pamamagitan ng iba't ibang paraan at para sa kanila, ang Beijing sa Agosto ay hindi lamang nagdudulot ng isang makukulay na Olimpiyada, kundi nagpapakita ng isang tunay na Tsina.

Sa katunayan, para sa di-kakaunting mga dayuhang kaibigan, bago silang dumating sa Tsina, ang nakuha nilang mga impormasyon hinggil sa Tsina ay hindi maganda, datapuwa't pagkatapos ng pagdating ng Tsina, kapwa sinabi nila na may magkaiba ang impresyon nila sa Tsina at ang katotohanan. Dalawa ang pangunahing dahilan nito.

Unang una, bilang isang malaking umuunlad na bansa, noong nakaraang 30 taon sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, ang Tsina ay may malaking pagbabago sa mga larangan ng lipunan, kabuhayan, teknolohiya, siyensiya at kultura. Masasabing ang ganitong mga pagbabago'y, para sa Tsina sarili, isang proseso na nangangailangan ng walang humapy na paglalagom at para sa daigdig, kailangan pa ang mahabang panahon para malaman ang mga ito, kaya ang pagkaunawa ng daigdig sa Tsina ay nangangailangan ng mahabang panahon.

Ikalawa, kinokontrol ng mga kanluraning pangunahing media ang pandaigdig na opinyong publiko at malalim na naapektuhan nito ang impresyon at ideya ng mga tao sa ilang bagay. Kaya sa ilalim ng kalagayang ito, kailangan ng daigdig na unti-unting unawain ang Tsina, kailangan nitong isagawa ang zero agwat na pakikipagkontak sa Tsina.

Ipinalalagay ni Chen Weixing, Direktor ng sentro ng pananaliksik sa pandaigdig na pagpapalaganap ng China's University of Communication, na ang Olimpiyadang ito ay nagkakaloob ng isang mabuting plataporma para malaman ng daigdig ang mabilis na pag-unlad ng Tsina at ang pagdating mismo roon ay mabisang paraan ng pagkaunawa sa Tsina.

Kaugnay nito, malalim ang karanansan ng mga dayuhang kaibigang nanonood ng Olipimpiyada sa Beijing. Si Siteni Moore na galing sa California ng Estados Unidos ay espesyal na pumunta sa Beijing para manood ng Olimpiyada. Mataas na pinapurihan niya ang mga mamamayang Tsino na kinontak niya nitong ilang araw na nakalipas.

Malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng mga kulturang kanluranin at silanganin at dahil dito, kinakailangan ng dalawang panig ang pagkakaunawaan at pag-aaral sa isa't isa. Tinukoy ni Chen na ang pagpapalagayan at pag-uugnayan ay mahalagang pundasyon ng pagpapalitan at pag-uunawaan sa pagitan ng mga nagkakaibang kultura.

Ang olimpiyadang ito'y nagdudulot ng mabuting pagkakataon para lumapit ang mga dayuhang kaibigan sa Tsina. Ang hospitalidad ay trandisyonal na kaugalian ng Nasyong Tsino at ang reporma at pagbubukas sa labas ay binuksan ang pinto ng Tsina sa daigdig. Sa seremoya ng pagbubukas ng Olimpiyada, sinabi ni Liu Qi, Tagapangulo ng lupong tagapag-organisa ng Olimpiyada ng Beijing na matapat na umaasa silang ang sinaunang kasaysayan at kulturang Tsino, mga lunsod at nayon na puno ng kasiglahan at mga hospitableng tao ay mag-iiwan ng magandang alaala sa mga kaibigan na galing sa apat na sulok ng daigdig. Welcome to Beijing!"