• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-15 16:37:17    
Olimpiyada, pagkakataon para sa pagtatanghal ng makulay na kulturang Tsino

CRI
Sa kasalukuyan, ilang milyong turista mula sa loob at labas ng Tsina ay nagtitipun-tipon sa Beijing para makisangkot sa ika-29 na Olimpiyada at magtamasa ng kaligayahang dulot ng palaro. Kasabay ng panonood ng mga paligsahan, makikita at mararanasan din ng mga turista ang katangi-tanging tradisyon at kulturang Tsino.

Kaugnay nito, sa isang preskon kahapon sa Beijing International Media Center, sinabi ni Gng. Yu Ping, Pangalawang Direktor ng Administrasyong Munisipal ng Beijing sa Pamanang Kultural, na sa panahon ng Olimpiyada, mahigit 100 pagtatanghal na may kinalaman sa Olimpiks ang naidaos sa Beijing. Hanggang kamakalawa, mahigit 1.4 na milyong turista na kinabibilangan ng mahigit 100 libong dayuhan mula sa halos 60 bansa't rehiyon ang bumisita sa nasabing mga eksibisyon. Ayon kay Gng. Yu, bukod sa pagpapakita ng esensiya ng Olimpiyada, ang nasabing mga tanghalan ay may kinalaman din sa kultura ng Nasyong Tsino. Sinabi pa niya na:

"Sa suporta ng iba't ibang panig ng Beijing at ng buong bansa, inihahandog namin ang mga eksibisyon na nagpapakita ng halina ng sibilisasyong Tsino. Mainit na tinatanggap ang mga ito ng mga bisitang Tsino't dayuhan."

Upang mapabuti ang nasabing mga pagtatanghal, mahigit 2 taon ang ginamit para magsanay ng mga empleyado at sa kabuuan, mahigit 12.9 libong empleyado ang nasanay. Ang kanilang pagsasanay ay may kinalaman sa karunungang Olimpiko, skill sa paglilingkod, wikang dayuhan at iba pa. Upang mapaginhawa ang pagbisita sa mga pagtatanghal ng mga may kapansanan, nakumpuni rin ang mga exhibition center.

Bukod sa nabanggit na mga pagtatanghal, 26 na Olympic cultural plaza ang matatagpuan sa apat na sulok ng Beijing na kung saan ang mga residenteng lokal at mga bisita ay nakikisangkot sa mga aktibidad na Olimpik. Kaugnay nito, ganito ang sinabi naman ni Gng. Wang Zhu, isa pang pangalawang direktor ng Administrasyong Munisipal ng Beijing sa Pamanang Kultural.

"Sa mga Olympic culture plaza, matatamasa ng mga tao ang mga palabas ng mga propesyonal na alagad ng sining mula sa loob at labas ng Tsina. Meron din kaming palabas na itinatanghal ng mga amatyur na alagad ng sining. Hinihikayat din namin ang mga manonood na makilahok sa mga palabas. Sa loob ng mga liwasan, makikita rin ang mga eksibisyon."

Ayon sa estadistika, nitong isang buwang nakalipas sapul nang buksan sa publiko ang nabanggit na mga liwasan, halos 280 palabas ang naidaos. Noong ika-8 ng buwang ito, araw ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, mahigit 130 libong tao ang nanood ng live telecast ng seremonyang pambungad sa mga liwasan.

Ayon sa salaysay, sa mga teatro ng Beijing, pinagmamasdan din ang makukulay na palabas. Kaugnay nito, ganito ang sinabi ni Gng. Wang.

"Sa panahon ng Beijing Olympics at Paralympics, makukulay ang mga palabas sa iba't ibang teatro ng Beijing na gaya ng mga katutubong operang Tsino, acrobatics, simponya, dance drama at modern drama."

Bukod sa Bejing, ang mga co-host city na tulad ng HongKong, Shanghai at Tianjin ay nagdaraos din ng mga aktibidad na may kinalaman sa Olimpiyada at kulturang Tsino. Tatagal ang mga ito hanggang sa susunod na Setyembre.