Si Harry Tañamor, ipinanganak noong Agosto 20, 1977 ay isang baguhang boksingero mula sa Lunsod ng Zamboanga, Pilipinas na kinikilala nang lubos sa medalyang paulit-ulit sa pandaigdigang tribuna sa timbang-lipad na magaan.
Ang kaliweteng boksingero ay lumalaban sa dibisyong Timbang-Lipad na Magaan (–48kg), at nanalo ng mga tansong medalya sa 2001 Pandaigdigang Kampeonato ng Pambaguhang Boksing at 2003 Pandaigdigang Kampeonato ng Pambaguhang Boksing. Nakipagpaligsahan siya sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004, subali't itinumba sa yugto ng 16 ni Hong Moo-Won ng Korea. Sa 2007 Pandaigdigang Kampeonato ng Pambaguhang Boksing sa Chicago tinalo niya ang namamayaning Luis Yanez nguni't natalo kay Zou Shiming sa huling laro. Itinakda siyang maglaro sa 2008 Olimpikong Beijing.
Noong ika-5 araw ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing (ika-13 ng Agosto), lumahok si Tañamor sa yugto ng 32 ng Timbang-Lipad na Magaan, ngunit tinalo siya ni Manyo Plange ng Ghana sa iskor na 3:6.
|