Si Sheila Mae Perez, ipinanganak noong 1985, ay isang Pilipinang Olimpikong manlalaro ng pagtalong-sisid.
Siya ay kumatawan ng kanyang bansa sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000 sa Sydney, nakatapos sa ika-32 sa mga 56 na lumahok. Siya ay nakwalipika sa maging bahagi ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004 sa Atenas, nguni't nabalitaang "hindi kayang makipagpaligsahan." Siya ay kumakatawan muli para sa Pilipinas sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing.
Nanalo si Perez ng dalawang medalya sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2003, at tatlong gintong medalya sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2005, sa mga kaganapang 3-metrong tablang paikgasan, sabayang 3-metrong tablang paikgasan, 1-metrong tablang paikgasan, na naging kauna-unahang tatluhang-gintong medalista mula sa Pilipinas sa Palaro. Nanalo siya ng isang ginto at isang pilak na medalya sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2007.
Noong ika-7 araw ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing (ika-15 ng Agosto), lumahok si Perez sa punang laro ng 3m springboard. Nakatapos siya sa ika-23 sa 30 kalahok at hindi nakapasok sa semifinal.
|