Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2008.
Ngayong gabi, bibigyang-daan natin sa himpapawid ang mga mensahe ng mga tagapakinig bago at pagkaraan ng seremonya ng pagbubukas ng ika-29 na Olimpiyada.
Siguro naman nakita ninyo kung gaano kaluningning at kung gaano karingal ang pagbubukas ng Beijing Games, pero bago pa man ito nagsimula, ipinahihiwatig na ng mga tagapakinig sa kanilang mga mensahe na ganito ang magiging opening ceremony ng Olympics.
Sinabi ng stenographer na si Minda Gertos ng Manila at Cebu City na anticipated na niya na magiging glittering ang pagbubukas ng 2008 Beijing Olympics. Ito aniya ay base sa ginawang paghahanda ng Beijing at suporta ng mga mamamayan. Sinabi pa niya na:
"Mainit na pagsalubong sa 2008 Beijing Olympic Games. Iyong sinasabi nilang `one world, one dream' ay malapit nang ma-realize. Muling mapapatunayan sa Beijing Olympics na maari rin tayong magtagisan ng lakas in a friendly way. At kung magagawa natin ito sa mga paligsahang tulad ng Olympics, maari rin natin itong gawin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay."
Sabi naman ng businesswoman na si Ning de Mesa ng San Andres, Manila na alam niya na magbubukas ang 29th Olympiad with a "bang" at ito ay magiging ispektakular, kagila-gilalas at kahanga-hanga. Talaga daw kasing mahusay ang China sa pag-o-organize ng international competitions.
"Mabuhay sa 29th Olympiad. Talagang maaasahan ang Beijing sa pag-o-organize ng international competitions. Feel ko na ang excitement ng Games at kita ko na ang the first green Olympics ever. Congratulations sa lahat ng nasa likod ng Beijing Games na ito. You deserve our kudos."
Sa kanya namang sariling antisipasyon, sinabi ng air-con at ref technician na si Danny Picasso ng Sta. Ana na magbubukas ang Beijing Olympics sa paraang hindi malilimutan ng mga mamamayan ng mundo dahil maganda ang concept ng Beijing at napakamalikhain ng mga taong sangkot sa paghahanda.
"Congratulations sa China at sa lahat ng mga kaibigang Chinese. Maganda ang inyong concept ng Summer Games sa Beijing. Makakakita ang mga tao sa buong daigdig ng Olympics na ang background ay cutting-edge technology. Ibang iba ito sa lahat ng mga nakaraang Olympics. Bless you!"
Salamat sa inyo, Minda, Ning at Danny at sa lahat ng mga iba pang nagpadala ng mensahe sa bisperas ng pagbubukas ng Beijing Olympics.
Isang araw naman pagkaraan ng sinasabi ng mundo na "dakilang pagtatanghal ng kasalukuyang siglo," sa pamamagitan ng text messages at e-mail, ipinarating ng mga tagapakinig ang kanilang masayang pagsalubong sa pagbubukas ng Olympics at kanilang papuri sa napakagandang seremonya ng pagbubukas.
Narito ang ilang SMS.
Sabi ng 917 960 8218: "Talagang one world one dream, ano? Ang tanging pangarap ng lahat na Olympics ay nasa atin na. Now, let's sit down ang watch the competitions!"
Sabi naman ng 920 950 2716: "Salamat sa China sa pagsi-share nito ng kanyang magandang pangarap sa amin. We enjoyed every minute of the spectacular opening ceremony of the `dream Games'."
Sabi naman ng 919 426 0570: "Congratulations sa lahat ng involved sa Beijing 2008 preparations. This is too good to be true. Gamundo ang inyong mga tagahanga"
Sabi naman ng 915 807 5559: "I was overwhelmed with wonder watching your opening ceremony. I can't believe my eyes. Talagang tunay. Napakagaling ng pagkakagawa. Mabuhay kayo!"
At sabi naman ng 0049 242 188 210: "Obviously, maraming napasaya ang Beijing sa presentation nito noong August 8. Ibang iba ito sa mga nakaraang Olympics. Nakita ng mundo ang tunay na China."
Ngayon, tunghayan naman natin ang ilang e-mail.
Sabi ni Malou Tiu ng Dasmarinas Village, Makati City: "Kuya, parang na-mesmerize ako ng inyong palabas noong August 8. Sa background ng makukulay na kumukutitap na mga ilaw at katutubong musikang Tsino, naipakita sa palabas ang nakaraan at kasalukuyan ng China. Ipinakita du'n ang pag-imbento ng papel, pag-iimprenta, calligraphy, Great Wall, Silk Road at iba pa na siyang nagsi-serve na symbols ng China. Ipinakita rin ang pagti-training ng mga batang Chinese sa arts and sciences. In general, nakita ng mga nakapanood ang matibay na social at cultural backgrounds ng China. Talagang may kakayahan ang China na magdaos ng high quality Olympics."
Sabi naman ni Poska, Poska de la Pena, ng Bajac-Bajac, Olongapo City: "Kuya Ramon, thanks sa RPN 9 at Solar Cable, napanood namin nang buong-buo ang opening show ng Beijing Games. It wa splendid and impressive.Binabati ko ang lahat ng nasa likod ng super gandang palabas na ito. Maari ko rin namang sabihin na ito ay show of a lifetime. I don't think na mapapantayan ito ng mga susunod na Olympics."
Salamat sa inyo Malou at Poska at ganoon din sa inyong lahat sa inyong walang sawang pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|