• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-15 20:56:39    
Mga ceremony hostess sa Beijing Olympics

CRI
Sa paligsahan ng Olimpiyada, ang seremonya ng paggawad ng gantimpala ay ipinagmamalaki ng mga manlalaro, ikinasisigla ng lahat ng manonood, bagay na nagtutulak sa kasukdulan ng paligsahan. Kasabay nito'y ang seremonyang ito ay mahalagang plataporma para sa pagpapakita ng host country ng pambansang kultura at kasuutan at kabihasnan ng Olimpiyada.

Napag-alamang, sa 2008 Beijing Olympic at Paralympic Games, magkahiwalay na idaraos ang mahigit 300 at 400 seremonya ng paggawad ng gantimpala. Sa mga seremonya, isasabalikat ng mga ritual girl ang tungkulin ng pag-akay ng mga dignitaryong panauhin at manlalaro sa pagpasok at paglabas ng Venue at paghawak ng gantimpala at bulaklak. Samantala, isuot nila ang mga damit na may katangiang Tsino at ipakita ang kariktan ng mga babaeng Asyano sa pamamagitan ng magandang hitsura at matamis na ngiti.

Bukod sa kagandahan ng katawan, tinanggap din nila ang komprehensibong pagsasanay at ito ay malaking pagsubok sa kanilang lakas at pagtitiis ng katawan.

Ang unang klase nila ay "pagtayo". Isinalaysay ni Feng Silu, isa sa mga boluntaryo, na:

"Nakasuot kami ng high-heel shoes at tumayo nang maraming oras bawat araw, laging namaga ang hita at binti. Bukod dito, nagsanay kami sa bilis ng hakbang at ayos ng paglakad. Pagtatapos ng isang araw na pagsasanay, may dalawa at tatlong sedang medyas ang nasira. kaya, may dala kaming ilang paketeng medyas tuwing pagsasanay."

Ang karamihan ng mga boluntaryong ito ay pinili mula sa mga estudyente ng iba' ibang unibersidad, kaya mayroon silang magandang ugali, ngunit kulang sa karanasan sa pagharap sa maraming manonood. Dahil dito, may mga boluntaryo ang umisip ng kanilang sariling paraan. Isinalaysay ni Feng na para panaigan ang pagkanerbisyo, lagi siyang nagtatalumpati sa harap ng salamin sa tahanan. Pagkatapos ng hapunan, naka-high-wheel-shoes siya sa paglalakad nang may rituwal sa kaniyang tirahang bloke para sanayin ang kanyang sarili sa buong tapang pagharap ng panaw ng mga tao.

Para sa mga boluntaryong humahawak ng gantimpala at bulaklak, mas mahirap ang kanilang gawain. Isinalaysay ni Zhang Xuan, isa pang boluntaryo na:

"Ang agwat sa pagitan ng plato at aming katawan ay dapat manatiling isang kamao, ang bisig ay dapat manatiling pahalang sa lupa at isang kamao rin ang agwat sa pagitan ng siko at baywang. Ang mga hinlalaki ay dapat ilagay nang magaan sa magkabilang gilid ng plato, kahit kay bigat ng mga bagay sa plato, hindi maaari ipakita ang anumang bakas ng hirap ninyo at ang asal ay dapat maging natural at ang ngiti ay matamis."

Dinagdag pa ng mga boluntaryo ang sariling pagsasanay. Sinabi ni boluntaryong Xu Xuelun na para ngumiti nang mas matamis, nagkapares sila para sanayin. Nagngitian na harapan para tuklasin ang kakulangan ng kabilang panig at nang sa gayo'y hanapin ang pinakamatamis na ngiti. Sinabi niyang:

"Laging kami nagtutulungan. Kung may natuklasang kakulungan, tutukuyin ito ng kasama. Kami ay nakatira sa isang bahay. Nakadarama akong maganda ang ipinalilipas naming mga araw."

Dahil sa kanilang pagsisikap, nakapasa sila ng pagsusulit. Pinapurihan sila ni Dale Neuburger, pangalawang tagapangulo ng Federation Inernationale de Natation o FINA, na:

"Alam ko na para maging isang boluntaryo ng Olimpiyada, mahigpit ang pagsasanay nila. Umabot sila sa pamantayan ng Olimpiyada at mabuting kumakatawan sila sa kanilang sarili, kanilang pamilya at bansa."