• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-16 20:53:52    
Turistang dayuhan: babalik ako sa Beijing

CRI
Si Bulinda, isang babaeng turistang naglakbay sa Beijing sa panahon ng Olimpiyada, ay galing sa Sydney, Australya at ito ang kanyang kauna-unahang paglalakbay sa Beijing at sa Tsina. Unang-una, lubos na pinapurihan ni Bulinda ang mga arkitektura ng Olimpiyada sa Beijing. Anya,

"Kaakit-akit ang Bird's Nest at Water Cube at kay ganda rin ng mga iba pang arkitektura sa Beijing, matanda man o moderno. Hindi akong nakapasok sa Bird's Nest, dahil wala akong tiket sa mga paligsahan doon. Pero, nakapunta ako sa Tennis Court sa Olympic Green at napakaganda ng purok na ito. Ang Water Cube ay isa pang venue na lubos kong nagugustuhan, dahil sa gabi, magandang maganda ang liwanag doon. Hindi kong nakita ang ganoong kagandang liwanag at hindi ring nakita ang ganoong arkitektura, espesyal na espesyal ito."

Limang araw lamang ang biyahe ni Bulinda sa Beijing at umuwi siya sa Australya ngayong gabi. Maiksi man ang biyahe, pero nag-iwan ito ng napakagandang impresyon kay Bulinda. Sinabi niyang,

"Mabait na mabait ang mga mamamayang Tsino at maligaya nilang sinasalubong ang aming pagdating. Sa palagay ko, ito ay isang malaking hamon sa Beijing na pumunta dito ang maraming tao mula sa iba't ibang lugar ng daigdig, dahil karamihan sa kanila ay hindi nakakasalita ng wikang Tsino. Ngunit marami ang mga boluntaryo sa Beijing, masigasig sila at laging handang magkaloob ng tulong. Napakabait nila at ikinasisiya ko ang kanilang serbisyo."

Bago umalis ng Beijing, ginawa ni Bulinda ang kapasiyahang bumalik dito. Anya,

"Babalik ako sa Beijing. Perpekto ang ginagawa ng mga taga-Beijing bilang pasalubong sa mga turista mula sa buong daigdig. Ito ay kahanga-hanga na nagbigay din ang mga lunsod sa paligid ng Beijing ng kanilang ambag sa Olimpiyada. Nananalig akong gusto ng maraming turista na bumalik sa Beijing."