Ang Haier Group ay hindi lamang pabrikante ng mga household electric appliance ng Tsina at ika-4 na pinakamalaking pabrikante ng white goods sa daigdig, kundi isa rin sa mga pinakamahalagang tatak ng Tsina.
Noong Agosto ng taong 2005, opisiyal na nilagdaan ang kasunduan ng Haier at lupong tagapag-organisa ng Olimpiyada ng Beijing at naging unang tagatangkilik ng white goods sa kasaysayan ng Olimpiyada. Sa tingin ng Haier, ang Olimpiyada ay isa sa mga maringal na palarong may pinakamalakas na epekto sa buong daigdig at magkakaloob ng isang pandaigdig na plataporma para lumikha ng mahalagang pagkakataon sa pagpapataas ng Haier ng kanyang epekto ng tatak sa Tsina at daigdig.
Ayon sa salaysay, sa kasalukuyan, tumatangkilik na ang Haier ng 31 uri at mahigit 60 libong produkto at ginagamit ang mga ito sa 37 stadiums ng Olimpiyada na gaya ng Bird's Nest, Water Cube. Sinabi ni Zhang Xiaorui, Chief Executive Officer o CEO ng Haier na
"Ang target namin ay lumika ng pandaigdig na tatak. Ang Olimpiyadang ito ay lubos na nagpapasulong ng pagiging internasyonal ng aming tatak."
Sa unang dako ng panahon ng pagsisimula ng negosyo ng Haier noong 1984, ipinasiya ng Haier na maging pandaigdig na kilalang tatak na mapanatili ang asistenteng inobasyon. Hanggang sa kasalukuyan, may 8 sentro ng pananaliksik na ang Haier sa buong daigdig. Sinabi ni Zhang na
"Palagiang iginigiit namin ang paglikha ng tatak sa pamamagitan ng inobasyon. Ang layunin namin ay lumika ng tatak sa pamamagitan ng pagluluwas sa halip na kumita ng foreign exchange at ay "paglikha ng Tsina" sa halip ng "made in China"."
Ang mga produktong ipinakaloob ng Haier sa Olimpiyada ay nagpapakita ng katangian ng pangangalaga sa kapaligiran at pagtitipid ng enerhiya. Sa mga ito, ang bagong refrigerator na gumagamit ng CO2 bilang refrigerant ay bagong produkto na espesyal na nadebelop nito para sa Olimpiyada. Sa kasalukuyan, nagkaloob ang Haier ng 6000 ganitong uring refrigerator sa iba't ibang stadium ng Olimpiyada.
Bukod dito, ang mga solar air condition sa loob ng mga stadium ng Olimpiyada ay makakatipid ng mahigit 2.4 milyong kilowatt-hours bawat taon at makakabawas ng pagbuga ng humigit-kumulang na 2100 toneladang CO2. Sinabi ni Du Guanglin, isang manager ng Haier na
"Halos 72% ng mga stadium ng Olimpiyada ay gumagamit ng aming air condition at ang green at pangangalaga sa kapaligiran ay pangunahing dahilan kung bakit nakuha namin ang mga proyektong ito at ang mga ito ay aming pangunahing katangian rin."
Kasabay nito, sinaliksik na ng Haier ang makinang panlaba na hindi kailangang gamitin ang washing powder at hindi humantong ito ng polusyon ng kapaligiran. Napatunayan ng pagsubok na ang kakayahan ng ganitong makina sa paglinis ay tumaas ng 25% kumpara sa mga karaniwang makina, ang bahagdan ng pagtitipid ng tubig at koryente nito ay tumaas ng 50%, napakatipid nito sa enerhiya at ideyal sa pangangala sa kapaligiran.
Bukod ng pagkakaloob ng de-kalidad na produkto at serbisyo sa mga mamimili, may mataas na responsibilidad na panlipunan ang Haier. Noong Hunyo ng nagdaang taon, nagtangkilik ang Haier sa buong bansa ng Haier Olympic Hope Project at nag-abuloy ng 3 milyong yuan RMB sa China Youth Development Foundation at mga TV sa 30 hope school para manood ang mga bata sa mahihirap na purok ng makukulay na paligsahan ng Olimpiyada. Sinabi ni Zhang Haiyan, puno ng pamilihan ng rehiyong Asya-Pasipiko ng Haier, na
"Sa katotohanan, bilang tagatangkilik, ang pinakapangunahing ginagawa ng Haier ay nagpapalaganap ng diwa ng Olimpiyada."
Kasabay nito, nagdudulot ang Olimpiyada ng masaganang bunga sa Haier. Ayon sa salaysay ni Zhang na upang tumangkilik ng Olimpiyada, pinabilis ng Haier ang pagbabago ng buong estruktura ng mga produkto at pinalakas ang pananaliksik sa mga produktong may mataas na added value at high-tech. Bukod dito, pinalawak ng Olimpiyada ang larangan ng serbisyo ng Haier. Ang mas mahalaga'y ang kakayahan ng Haier sa puwersang teknikal at ang paghahangad nito sa pangangalaga sa kapaligiran at diwang kultural sa proseso ng pagtangkilik sa Olimpiyada ay ibayo pang nagpataas ng pandaigdig na imahe ng tatak ng Haier.
|