Natapos na ang lahat ng mga weightlifting event ng Beijing Olympic Games at napasakamay ng Tsina ang 8 medalyang ginto at 1 medalyang pilak. Pero ewan, kung napansin mo ba ninyong sa listahan ng mga medalya sa mga event na ito, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, lumitaw ang pangalan ng manlalarong Biyetnames na si Hoang Anh Tuan. Sa programa ngayong gabi, isasalaysay ko sa inyon ang kuwento niya sa Olimpiyada.
Unang una, sinariwa namin ang performance ni Hoang sa kanyang paligsahan. Sa snatch event, matagumpay siya sa first attempt sa 126kg. Ang bigat na ito ay mas malaki sa bigat na hiningi ng lahat ng iba pang manlalaro sa first attempt, bagay na nagpapakitang lipos siya ng pagtitiwala sa sarili. Sa wakas, napasakamay ni Hoang ang medalyang pilak, ito naman ang unang medalyang natamo ng delegasyong pampalakasan ng Biyetnam sa kasalukuyang Olimpiyada at ika-2 medalya sa kasaysayan na natamo ng Biyetnam sa Olimpiyada. Ikinasisiya ni Hoang ang resultang ito.
"Ang pagtamo ng isang medalya ay pinakamalaking pangarap ko sa paglahok sa Beijing Olympic Games."
Isinagawa minsan ng naturang 24-taong gulang na atletang Biyetnames ang pagsasanay sa Tsina sa mahabang panahon at dahil sa pagturo ng tagasanay na Tsino, tumaas nang mabilis ang kakayahan niya, bagay na naglatag ng mainam na pundasyon para sa kanyang magandang performance sa kasalukuyang Olimpiyada. Pagkaraan ng paligsahan, ipinahayag ni Gioong Hoang Vinh Giang, puno ng delegasyong pampalakasan ng Biyetnam na ang naturang medalyang pilak ay bunga ng mapagkaibigang relasyon ng Tsina't Biyetnam. Binigyan naman ni Hoang Anh Tuan ng mataas na papuri ang lebel ng mga tagasanay na Tsino, sinabi niya na,
"Mainam ang lahat ng mga aspekto sa Tsina na gaya ng tauhan at lebel ng pagsasanay. Pinahahalagahan ko ang nutrition, may maraming plano ang mga tagasanay na Tsino sa pagsasaayos sa pagkain at tubig-inumin ng mga manlalaro, napakahusay rin ng kanilang pagsasanay sa kakayahang pangkatawan. Makakaya ng mga manlalarong Tsino ang pagharap sa iba't ibang kondisyon at matapat silang nakipagpalitan sa mga tagasanay hinggil sa plano ng bigat bago ang paligsahan."
7 araw bago magbukas ang Beijing Olympic Games, natapos ni Hoang ang kanyang pagsasanay sa Europa at pumunta sa Beijing para sa paghahanda sa kanyang kauna-unahang paglahok sa Olimpiyada. Maayos na isinagawa niya ang pagsasanay bawat araw. Kinatakutan ng ilang atleta ang kakayahan niya na ipinakikita sa pagsasanay. Sinabi ni Hoang na ito ay taktikang saykolohikal niya.
"Sa pagsasanay, hindi kailangang mapatingkad ninyo ang pinakamagandang kahusayan, ang kailangang gawin ninyo ay maghintay lamang ng pagkakataon. Nang lumapit ang araw ng paligsahan, biglang idinagdag ko ang bigat na binuhat at kinatakutan nila ito, ito ang taktikang saykolohikal ko."
Natapos na ni Hoang Anh Tuan ang kanyang paligsahan sa Beijing Olympic Games. Datapuwa't hindi napasakamay niya ang medalyang ginto, ipinalalagay niyang natuto siya nang marami sa Olimpiyadang ito, gusto niyang lagumin ang sariling karasanan upang tulungan ang mas maraming atletang Biyetnames para matamo ang medalya sa Olimpiyada.
"Marami ang dapat mag-aral dito sa Tsina para sa amin, nakakarami rin ang mga namumukod na talento. Kung may pagkakataong sanayin ko ang mga atleta, tuturuan ko sila ng karanasang natutuhan ko dito sa Tsina."
|