Kuya, parang na-mesmerize ako ng inyong palabas noong August 8. Sa background ng makukulay na kumukutitap na mga ilaw at katutubong musikang Tsino, naipakita sa palabas ang nakaraan at kasalukuyan ng China. Ipinakita du'n ang pag-imbento ng papel, pag-iimprenta, calligraphy, Great Wall, Silk Road at iba pa na siyang nagsi-serve na symbols ng China. Ipinakita rin ang pagti-training ng mga batang Chinese sa arts and sciences. In general, nakita ng mga nakapanood ang matibay na social at cultural backgrounds ng China. Talagang may kakayahan ang China na magdaos ng high quality Olympics.
Malou Tiu Dasmarinas Village Makati City
Kuya Ramon, thanks sa RPN 9 at Solar Cable, napanood namin nang buong-buo ang opening show ng Beijing Games. It wa splendid and impressive. Binabati ko ang lahat ng nasa likod ng super gandang palabas na ito. Maari ko rin namang sabihin na ito ay show of a lifetime. I don't think na mapapantayan ito ng mga susunod na Olympics.
Poska de la Pena Bajac-Bajac Olongapo City
|