• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-19 18:41:09    
Mga boluntaryo ng Beijing Olympic Games, natamo ang papuri ng daigdig

CRI

Ang matagumpay na pagdaraos ng Olimpiyada ay hindi humihiwalay sa kasiglahan at walang pag-iimbot na ambag ng mga boluntaryo. Sa Beijing Olympic Games, mga 1.7 milyong boluntaryo ay nagseserbisyo sa iba't ibang puwesto. Iginagarantiya ng kanilang pagsisikap ang maalwang takbo ng mga paligsahan ng Olimpiyada, samantala, natamo rin nila ang malawak na papuri ng mga panauhin sa loob at labas ng Tsina.

Sa preskong idinaos kahapon sa Beijing International Media Center, isinalaysay ni G. Liu Jian, puno ng departemento mga boluntaryo ng Lupong Tagapag-organisa sa Beijing para sa ika-29 na Olimpiyada o BOCOG, na:

"Ang ngiti ng mga boluntaryo ay pinakamabuting card ng Beijing. Nagbibigay ang mga boluntaryo ng propesyonal na serbisyo sa kani-kanilang puwesto. Nagseserbisyo ang mahigit 70 libong boluntaryo sa 61 larangan. Bukod dito, sa 550 service spot sa lunsod, nagbibigay ang mga boluntaryo ng mabisang serbisyo."

Sinabi ni G. Liu na ang ngiti at propesyonal na serbisyo ay pinupuri ng mga tao sa iba't ibang larangan ng daigdig. Ipinadala ni Ban Ki-Moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang kanyang sulat bilang pahayag ng kanyang kahangaan at kapurihan sa mga boluntaryo ng Beijing Olympic at Paralympic Games. Binigyan naman nina G. Liu Qi, tagapangulo ng BOCOG, G. Jacques Rogge, Pangulo ng International Olympic Committee o IOC, at G. Philip Craven, Pangulo ng International Paralympic Committee o IPC, ng mataas na pagtasa ang mga boluntaryo ng Beijing Olympic at Paralympic Games. Iniulat din ng maraming bantog na medyang dayuhan ang gawain ng mga boluntaryo ng Olimpiyadang ito at pinapurihan nilang kumakatawan ang grupo ng mga boluntaryo ng magandang imahe ng Beijing at Tsina.

Ang mahigpit na pagpili at pagsasanay ay siyang nagsisilbing matatag na pundasyon sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo. Isinalaysay ni G. Zhang Juming, Pangalawang Puno ng departemento mga boluntaryo ng BOCOG, na:

"Itinatag namin ang training camp para sa pagsasanay sa mga boluntaryo. Kasabay nito, ginamit namin ang internet at iba pang paraan ng medya para magbigay ng pagsasanay sa nakararaming boluntaryo. Isinagawa ang mahigpit na test sa lahat ng boluntaryo at ipinadala sa iba't ibang pandaigdig na paligsahan ang ilang piniling boluntaryo para magbigay siya ng propesyonal at mataas na lebel na serbisyo sa paligsahan."

Sa grupo ng mga boluntaryo, di-kakaunting boluntaryo ay nanggagaling sa mga espesyal na rehiyong administratibo ng Hong Kong, Macao at Chinese Taipei at mga bansang dayuhan. Mayroon ding mga overseas at ethnic Chinese volunteers. Sinasamantala nila ang kanilang bentahe sa wika, propesyon, karanasan at iba pa para magbigay ng mahusay na serbisyo.

Si G. Xu Futing ay isang boluntaryo mula sa Chinese Taipei. Nagtatrabaho siya bilang isang boluntaryo nang maraming taon. Sa palagay niya, lubos na pasusulungin ng Beijing Olympic Games ang usapin ng boluntaryo ng Tsina. Sinabi niyang:

"Sa pamamagitan ng Olimpiyadang ito, ikikintal sa isip ng mga tao ang konseptong 'Boluntaryo'. Alam ng mga tao na puwedeng maging isang boluntaryo ang bawat tao. Kahit hindi kang maaaring magserbisyo sa loob ng mga Olympic venues, puwede ring magserbisyo sa iba pang okasyon. Kung gayon, ang iyong ambag ay serbisyo ng isang boluntaryo."