Nitong nakalipas na ilang taon, walang tigil na nalalambungan ng isyu ng dope ang Olimpiyada. Maraming beses na ipinahayag ni Jacques Rogge, Pangulo ng International Olympic Committee o IOC, na sa prinsipyo ng "Zero tolerance", ibayo pang palalakasin ng Beijing Olympic Games ang puwersa ng paglaban sa dope. Sa larangan ng doping test, lumikha ang Beijing Olympic Games ng dalawang rekord sa kasaysayan ng Olimpiyada: pinakamalaki ang bilang ng doping test at pinakamahigpit ang parusa sa mga manlalarong napatunayang positibo sa doping test.
Lumitaw noong katapusan ng ika-19 na siglo ang isyu ng dope at nakatawag ng pansin ng daigdig noong ika-6 na dekada ng ika-20 siglo. Noong 1968, sa Mexico Olympic Games, kauna-unahang opisyal na isinagawa ang doping test sa mga manlalaro ng iba't ibang bansa. Pagkaraan ng 40 taon, kinakaharap din ng Beijing Olympic Games ang mahigpit na hamon. Kaya, ang pagpapalakas ng puwersa ng paglaban sa dope ay kahilingan ng IOC, determinasyon ng Tsina at komong pag-asa ng buong daigdig. Ipinahayag naman ni Jacques Rogge, Pangulo ng IOC na kinapopootan niya ang dope. Una, sinira nito ang karangalan ng paligsahan. Ang resulta at puwerso ay iginagalang sa palakasan. Kung ang resulta at puwerso ay hindi natamo sa pamamagitan ng masikap na pagsasanay, walang anumang saysay ang mga ito. Ikalawa, ang dope ay malaking nakakapinsala sa kalusugan ng mga manlalaro, dapat pangalagaan ang mga manlalaro.
Para makalikha ng malusog na atmospera para sa Beijing Olympic Games, mahigpit na isinasagawa ng Tsina ang mga hakbangin. Sinabi ni John Fahey, tagapangulo ng World Anti-Doping Agency o WADA, na:
"Ang pagsagawa ng World Anti-Doping Code ay nagpataas ng lebel ng paglaban sa dope at patuloy na ipapakita ito sa Beijing Olympic Games."
Nang mabanggit ang mga hakbangin ng doping test, sinabi ni Doctor Patrick Schamasch, puno ng departamento ng medisina at siyensya ng IOC, na isasagawa sa Beijing Olympic Games ang 4500 test sa panahon at pagkatapos ng paligsahan at lilikha ito ng rekord sa kasaysayan. Anya, lumaki ang bilang na ito nang 25% kumpara sa 2004 Athens Olympic Games at lumaki naman nang 90% kumpara sa 2000 Sydney Olympic Games.
Sa mga manlalarong napatunayang positibo sa doping test, walang katulad na ang kahigpitan ng parusa sa Beijing Olympic Games sa kasaysayan. Bukod sa mga may kinalamang regulasyon ng parusa ng IOC at mga pederasyon, ang mga manlalarong pinatawan ng 6 na buwan at mahigit sa 6 na buwang pagbabawal sa paglahok sa paligsahan ay ipagbawal na lumhok sa 2012 London Olympic Games. Kasabay nito, mula sa Olimpiyadang ito, ang mga doping test sample ng mga manlalaro ay irereserba nang 8 taon at may posibilidad na muling itetest. Kung positive ang test, babawiin ang medalya.
Kaya, lipos ng kompiyansa si John Fahey sa kadalisayan ng Olimpiyadang ito. Sinabi niyang:
"Ang mahigpit na pagsusuri ay nangangahulugan ng paglaki ng posibilidad na ibunyag ang paggamit ng mga manlalaro ng dope at sa gayo'y sa palagay ko, magiging pinakamaliit ang posibilidad na makuha ang resulta sa pamamagitan ng panlilinlang sa Olimpiyadang ito. Naniniwala akong sa Beijing Olympic Games, hindi maiiwasan ng sinumang manlalarong lumalabag sa mga regulasyon ang parusa."?
Si John Fahey ay nanungkulan minsan na Ministro ng Pananalapi ng Australya, at tagapangulo ng lupon ng pag-bibid ng Australya para sa Olympic Games noong 2000. Batay sa kanyang mayamang karanasan sa pulitika at palakasan, ipinalalagay niyang ang puwersa ng isang organo ay limitado at dapat isagawa ng daigdig ang komprehensibong kooperasyon para sa paglaban sa dope. Ang pangunahin dapat gawin sa paglaban sa dope ay edukahin ang mga manlalaro na baguhhin ang ideya nila. Sinabi niyang:
"Umaasa akong iilan lamang ang mga manlalarong gumagamit ng dope. Kinakailangan ang edukasyon sa mga manlalaro at dapat bumago ng kanilang ideya para maliwanag na maunawaan nila kung anong uring panlilinlang ang paggamit ng dope."?
Ang mahigpit ng paglaban sa dope, pangangalaga sa autoridad ng Olimpiyada at paggarantiya ng kadalisayan at kapantayan ng Olimpiyada ay inaasahan ng iba't ibang bansa ng daigdig sa Beijing Olympic Games at ito rin ang pangako ng Tsina sa daigdig. Taos pusong umaasa ang mga tao na ang mga makislap na medalyang nakabitbit sa leeg ng mga manlalaro ay pagpapakita ng tunay na sportsmanship at hindi lambong sa langit ng Olimpiyada.
|