• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-20 16:33:13    
Di-malilimutang paligsahan ng gymnastics sa Beijing Olympic Games

CRI

Natapos kahapon ang lahat ng paligsahan ng Gymnastics sa Olimpiyada ng Beijing. Napasakamay ng mga atletang Tsino ang 9 na medalyang ginto sa lahat-lahat na 14 ginto ng event na ito. Ang koponang Tsino ay talagang naging "dream team of Gymnastics" ng Olimpiyada. Pagkatapos ng paligsahan, ipinahayag ni Ginoong Gao Jian, puno ng sentro ng pamamahala sa gymnastics ng State General Administration of sport ng Tsina na hindi lamang nakahulagpos ang gymnastics ng Tsina ng lambong ng ulap dahil sa pagbigo sa Olimpiyada sa Athens, kundi lumikha ito ng mga di-malilimutang tagpo ng paligsahan sa kasaysayan ng gymnastics.

Sinabi ni GaoJian sa mga mamamahayag na walang katulad na mataas ang lebel ng kompetisyon sa gymnastics ng Beijing Olympic Games. Nanalo ang mga atletang Tsino sa mainitang paligsahan batay sa mataas na probability of success at matatag na mentalidad. Sinabi niyang maganda at masidhi ang paligsahan. Napakaganda ng mga paligsahan, at baka hindi itong muling makikita sa hinaharap. Halimbawa, ang Men's Team event. Bukod dito, sa Women's Team finals, kapawa napakahusay ng Tsina at Estados Unidos. Nagtagumapy ang Tsina sa wakas, ito ay nabatay sa probability of success at matatag na mentalidad ng mga atletang Tsino.

Sa Olimpiyada ng Athens noong 2004, ang gymnastics team ng Tsina ay nakaranas ng malaking pagkabigo. Inilahad ni GaoJian sa mga mamamahayag na pagkatapos ng Olimpiyada ng Athens, itinayo ng gymnastics team ang "pader" sa lugar na pinagsasanayan at idinikit nila, sa pader, ang iba't ibang puna ng mass media sa kanila para ipaalaala sa kanila ang kanilang malaking pagkabigo sa Athens. Sinabi ni Gao Jian na idinikit nila ang mga artikulong pumupuna sa kanila sa lugar na pinagsasanayan para makita nila ito araw-araw hanggang sa araw ng muling pagtamo ng tagumpay sa Olimpiyada.

Sa nangakaraang kompetisyong pandaigdig ng gymnastics, nag-iwan ang mga atletang Tsino ng gayong empresyon sa mga tao: mataas ang difficulty factor, pero, mababa ang kanilang probability of success. Dahil, kulang sila sa karanasan ng paligsahan. Ngunit, sa kasalukuyang Olimpiyada sa Beijing, totohanang binabago ang mga ito. Pinakamababa ang error rate ng mga atletang Tsino. Ipinalalagay ni Gao Jian na nitong ilang taong nakalipas, buong lakas na pinapalakas ng gymnastics team ng Tsina ang pagsasanay para pataasin ang kahusayan ng mga atleta sa paligsahan at psychological quality nito sa pamamagitan ng pagpaparami ng paglahok sa mga paligsahan. Sinabi niyang kasabay ng pagsasanay, binigyan namin ang mga atleta ng mas maraming pagkakataon sa paglahok sa paligsahan. Ang tagumpay na natamo ng gymnastics team ng Tsina sa Beijing Olympic Games ay nabatay sa naturang mabibisang hakbangin.

Si Zou Kai, 20 taong gulang, ay pinakabata sa lahat ng mga miyembro ng men's gymnastics team ng Tsina. Pero, napasakamay niya ang 3 medalyang ginto na naging isang manlalarong kumuha ng pinakamaraming medalyang ginto sa paligsahang gymnastics sa kasalukuyang Olimpiyada. Si Zou Kai ay itinuturing ng mga tao na "lihim na sandata" ng Tsina. Bukod kay Zouvkai, sa gymnastics competition sa Beijing Olympic Games, dapat ikintal namin sa isip ang susunod na mga pangalan; Li Xiaopeng, Yang Wei, Xiao Qin, He Kexin, Nastia Liukin, Oksanf Chusovintina at iba pa. Tulad ng sinabi ni Gao Jian, maraming di-malilimutang paligsahan ang naiwan ng Olimpiyada sa Beijing.