• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-21 15:55:51    
Pangulong Biyetnames: Beijing, primera klaseng punong-abala ng Olimpiyada

CRI
Sa mga dayuhang lider na lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, si pangulong Nguyen Minh Triet ng Biyetnam ay isa sa mga lider na maagang tiniyak ang paglahok sa seremonyang ito. Sa maraming okasyon, paulit-ulit na nagpahayag din si pangulong Nguyen ng pagkatig sa Beijing Olympics. Nang kapanayamin ng mamamahayag bago lumisan ng Beijing, binigyan ni Nguyen ng mataas na papuri ang iba't ibang gawain ng Beijing Olympic Games.

Noong nakaraang taon, dumalaw sa Beijing at bumisita sa ilang kinauukulang proyekto ng Olimpiyada na ginagawa si Ginoong Nguyen Minh Triet. Isang taon ang nakakaraan, nakita niya ang Beijing, punong-abala ng Olimpiyada na napakakompleto ng iba't ibang instalasyon.

"Gumawa ang Tsina ng napakalaking pagsisikap at natapos nang mahusay ang gawaing preparatoryo para sa Olimpiyada. Napakabuti ng pag-oorganisa at laang-gugulin sa teknolohiya ng iba't ibang proyekto ng Beijing Olympics."

Nang kumustahin ang mga miyembro ng delegasyong pampalakasan ng Biyetnam na lumahok sa Olimpiyada, malinaw na ipinahayag ng pangulong Biyetnames na kumakatig ang kanyang pamahalaan sa Beijing Olympic Games at tumututol sa pagsasapulitika ng Olimpiyada.

"Sa ngalan ng pamahalaang Biyetnames, dumalo ako sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympics. Unang una, nagpahayag ako ng pagkatig sa pagtangkilik ng Tsina ng naturang maringal na pagtitipong pampalakasan. Datapuwa't may ilang boses sa daigdig na nagtatangkang isapulitika ang Olimpiyada, pero sa mula't mula pa'y ipinasiya ng Biyetnam na lumahok sa Beijing Olympics at magpakita ng pagkatig sa Tsina ng partido, estado at mga mamamayan ng Biyetnam."

Bukod sa pag-eenkorahe sa mga atletang Biyetnames, ang pinakamahalagang iskedyul ng biyahe ni pangulong Nguyen sa Beijing ay paglahok sa seremonya ng pagbubukas ng Olimpiyada. Pagkatapos ng seremonya, sinabi ni Nguyen na ang seremonyang ito ay lumampas sa kanyang imahinasyon. Nagpahayag din siya ng pag-ibig sa bawat detalye ng seremonyang ito. Anya, ang pinakapaborito niya ay palabas hinggil sa kulturang Tsino.

"Paborito ako sa pagsasalaysay sa proseso ng pagbuo't pag-unlad ng kultura ng nasyong Tsino sa seremonya ng pagbubukas. Sa tingin ko, dakila ang kultura ng nasyong Tsino. Kaya, nananalig akong hindi mananatili sa kasalukuyang lebel ang pag-unlad ng Tsina at tiyak na magiging napakabilis ng hakbang ng pag-unlad nito."

Pormal na sinimulan na ang mga paligsahan ng Olimpiyada. Lumahok ang delegasyong pampalakasan ng Biyetnam sa 8 events na kinabibilangan ng weightlifting at Taekwondo. Kaugnay ng target ng Biyetnam sa kasalukuyang Olimpiyada, nagpahayag ang pangulong Biyetnames ng pag-asang mapapatingkad ng mga atletang Biyetnames ang sarili nilang pinakamabuting kakayahan.

"Mainit ang kompetisyon sa kasalukuyang Olimpiyada. Umaasa akong puspusang magsisipag ang mga manlalaro para sa magandang resulta, pero ang pangunahing layunin ng kompetisyon ay para sa pag-aaral at pagpapalitan."

Sinabi pa ni Ginoong Nguyen Minh Triet na tulad ng maraming mamamayang Biyetnames, umiibig siya sa football events. Kung may pagkakataong manood sa mga paligsahan sa mga Beijing Olympic venues, pipiliin niya ang football events. Ngunit, dahil sa abala ang iskedyul niya, hindi isinakatuparan ang hangarin niya. Ipinahayag niyang pagkaraang umuwi, manonood siya sa football events ng Olimpiyada sa TV at pag-uukulan ng pansin ang performance ng mga atletang Tsino.