• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-21 15:57:00    
Lahat ng Tao Magkakapamilya, Awit ng Olimpiyada, Wei Wei at Dai Yuqiang

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Olympic Songs.

Sabi ng tagapakinig na si Pomett Ann Sanchez ng Maynila, kung mapapaginipan daw niya na siya ay nasa Beijing at nanonood ng Olympics, hindi na raw siya gigising...

Iyan ang tinig ni Guan Zhe sa awiting "Ang Beijing Kong Mahal." Kung natatandaan ninyo, si Guan Zhe rin ang kumanta ng isang version ng "Isang Mundo, Isang Pangarap."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Olympic Songs ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang SMS.

Sabi ng 917 960 8218: "Talagang 'one world, one dream,' ano? Ang tanging pangarap ng lahat na Olympics ay nasa atin na. Now, let's sit down and watch the competitions!"

Salamat sa iyo.

Sabi naman ng 920 950 2716: "Salamat sa China sa pagsi-share nito ng kanyang magandang pangarap sa amin. We enjoyed every minute of the spectacular opening ceremony of the 'dream Games'."

Thank you rin sa iyo.

Iyan naman ang magkasamang tinig nina Wei Wei at Dai Yuqiang sa awiting "Lahat ng Tao Magkakapamilya."

Tingnan natin itong short note ni Malou Tiu ng Dasmarinas Village, Makati City: "Kuya, parang na-mesmerize ako ng inyong palabas noong August 8. Sa background ng makukulay na kumukutitap na ilaw at katutubong musikang Tsino, naipakita sa palabas ang nakaraan at kasalukuyan ng China. Ipinakita du'n ang pag-iimbento ng papel, pag-iimprenta, calligraphy, Great Wall, Silk Road at iba pa na siyang nagsi-serve na symbol ng China. Ipinakita rin ang pagti-training ng mga bata sa arts and sciences. In general, nakita ng mga nakapanood ang matibay na social at cultural backgrounds ng China. Talagang may kakayahan ang China na magdaos ng high quality Olympics."

Iyan naman sina Liu Huan at Naying sa isa pa ring version ng "Isang Mundo, Isang Pangarap."

SMS pa.

Sabi ng 919 426 0570: "Congratulations sa lahat ng involved sa Beijing 2008 preparations.This is too good to be true. Gamundo ang inyong mga tagahanga."

Sabi naman ng 915 807 5559: "I was overwhelmed with wonder watching your opening ceremony.I can't believe my eyes. Talagang tunay. Napakagaling ng pagkakagawa. Mabuhay kayo.

Maraming salamat sa inyong text messages.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating Gabi ng Olympic Songs sa araw na ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.