• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-21 15:57:28    
Olympic Games: bagong marka ng pag-abande ng Tsina sa daigdig

CRI
Sa koment ng isang mediang Tsino hinggil sa Beijing Olympic Games sa 2008, sinabi nitong: "Ang Beijing Olympic Games ay tiyak na magiging isang marka na, bago nito, nakikiralamuha ang Tsina sa daigdig sa pamamagitan ng kabuhayan at sa kasalukuyan, pumasok na ito sa isang bagong yugtong nakikisalamuha sa daigdig ang lipunan at kultura nito. "

Sa katunayan, hindi lamang ang naturang media ay may gayong palagay, gayon rin ang ibap ang mediang Tsino. Sa nakaraang 7 taong sa taklo ng paghaahnda para sa Olympiyada, puspusang nagsikap ang pamahalaang Tsino para sa pagdaraos ng isang matagumpay na Olympic Games at nagpapakita ito ng mayamang elementong pandaigdig at dahil ng mga ito, nananalig ang publiko na pagkaraan ng 30-taong proseso ng reporma at pagbubukas, mas aktibo ang Tsina sa pakikisalamuha sa daigdig at ang Beijing Olympic Games ay isang baong markang umabande sa daigdig ang Tsina.

7 taon na ang nakararaan, ipinatalastas ni Juan Antonio Samaranch, Dating Pangulo ng Lupong Pandaigdig ng Olimpiyada na idaraos ang ika-29 Olympic Games sa Beijing, at ang kapasiyahang ito ay lubos na ikinasisiya ng mga mamamayang Tsino at kasabay nito'y isang malaking responsbilidad rin ito para sa Tsina.

Ang Olympic Games ay isang pandaigdig na dakilang pagtitipon sa palakasan. Ang layunin ng pagbibid sa pagdaraos ng Olympiyada ng Tsina ay hindi lamang para mapataas ang katayuan nitong pandaigdig, kundi, bigyan ng sariling ambag ang palakasan ng Olympiyada at isabalikad ang sarili nitong pananagutan sa komunidad ng daigdig. Nitong 7 na taong nakalipas, nagsikap ang mga mamamayang Tsino sa iba't ibang aspekto para idaos ang isang matagumpay na Olympic Games: sa konstruksyon ng mga venues ng Olimpiyada, serbisyo at pagbubukas ng media, kalidad ng hangin, hakbangin sa seguridad, serbisyo ng boluntaryo, disenyo ng iba't ibang seremonya at iba pa.

7 taon pagkaraan nito, sa isang news briefing bago ang seremonya ng pagbubukas ng Olympic Games, ipinahayag ni Jacques Rogge, Pangulo ng Lupong Pandaigdig ng Olimpiyada na:

"Walang pagsisisi ang Lupong Pandaigdig ng Olimpiyada na nagbigay sa Beijing ng karapatan ng pagdaraos. Nang araw ng ika-8 ng Agusto ang dumating ang napakalaging bighani ng Olympic Games at perpektong gawain ng pag-oorganisa ay hahalili sa anumang pagtatalo."

Bukod dito, ang mga ideyang itinakda sa Beijing Olympic Games ay lubos na nagpapakita ng makatwirang pag-iisip ng pakikipag-ugnayan ng Tsina sa palakasan ng Olympiyada at sa daigdig.

"One World, One Dream ay nagpapakita ng diwa ng Olympiyada at nagpapakita rin ng layunin ng Beijing Olympic Games. Ipinahayag ng slogang ito ang aming taos pusong mithiin, alalaong baga'y, nakahanda ang mga mamamayang Tsino na mapalakas ang pagpapalitan at kooperasyon sa ilalim ng pagpapasigla ng diwa ng Olympiyada at magkasamang lumikha ng mas magandang hinaharap ng sangkatauhan."

Ito ay pagpapaliwanag ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa kahulugan ng pangunahing slogan ng Beijing Olympic Games, Ang slogang ito ay nagpapakitang esensiya ng diwa ng Olympiyada at isa rin itong perpektong pagkakaisa ng ideyang Tsino at ideyang pandaigdig. At ang ideyang environment-friendly, technology-empowered and culture-enriched Olympics ay solemnang pahayag ng Tsina sa daigdig, alalaong baga'y, dapat idaos ng Tsina ang isang Olympic Games na may pandaigdig na istandard at pansangkatauhang istandard ayon sa unibersal na sence of value ng sangkatauhan.

Sinabi ni Rogge na may sariling katangian ang iba't ibang Olympic Games, at ang Olympic Games na idinaos sa Beijing ng Tsina ay idinaos ng mga mamamayang bumubuo ng sang-kalimang populasyon ng buong daigdig. Salamat sa Bejing Olympic Games, maaaring malapit na makita ng daidig ang Tsina at muling mabatid ang Tsina.