• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-21 16:31:07    
Pasilidad na pampalakasan ng Olimpiayda ng Beijing, matatag na tumatakbo

CRI

Sa kasalukuyan, natapos na ang karamihan ng mga event ng paligsahan sa Olimpiyada ng Beijing. Ipinahayag ng opisyal ng BOC, lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Committee na, hanggang sa kasalukuyan, matatag at may episiyensiyang tumatakbo ang mga pasilidad na pampalakasan na ginagamit ng Olimpiyada ng Beijing at lubos na pinapurihan ito ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo na kinabibilangan ng International Olympic Committee o IOC.

Sa isang preskong idinaos kahapon sa Beijing International Information Center, inilahad ni Ginoong Yao Hui, namamahalang tauhan ng departamento ng BOC sa pamamahala sa mga pasilidad na pampalakasan na itinakda ng pasilidad ng Olimpiyada ang mga tadhana sa istandardisadong pamamahala. Hangang sa kasalukuyan, matatag at maalwang tumatakbo ang mga pasilidad ng Olimpiyada. Sinabi niyang,

"Binuo, sa lahat ng mga pasilidad, ang may-episiyensiyang grupong tagapag-pamahala para sa pagtatakbo nito; nagkaloob sila ng istandardisadong serbisyo para sa mga manonood nang alinsunod sa takbo ng iba't ibang paligsahan; pinapahigpit nila, bago paligsahan, ang pagsasanay at pagtetest para sanayin at pataasin ang kakayahan at lebel ng kanilang grupo sa pagpapatakbo ng pasilidad; binigyang-halaga nila ang mekanismo ng pamumuno at pamamahala at ang pagpapalitan ng impormasyon hinggil sa tumatakbong paligsahan."

May mahigit 10 libong atleta na galing sa 204 bansa't rehiyon ang lumalahok sa iba't ibang event ng paligsahan ng kasalukuyang Olimpiyada. Umabot sa mahigit 20 libo ang  mga rehistradong newsman. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 4.3 milyong person time na manonood ang natanggap ng BOC, at walang naganap na mga grabeng insidenteng panseguridad at problema sa kaayusang pampubliko sa mga lugar na pinagdarausan ng paligsahan. Sinipi ni Yao Hui ang sinabi ni Ginoong Jacques Rogge, pangulo ng IOC na napakaganda ng gawaing tagapag-organisa ng BOC na mas mabuti kaysa sa nangakaraang host city ng Olimpiyada.

Pinapurihan din ang pagtatakbo at paggarantiya ng pasilidad ng Olimpiyadad sa Beijing ng mga opisyal na pampalakasan, atleta, tagasanay at manonood na galing sa iba't ibang bansa. Lubos na hinahangaan ni Tamas Ajan, pangulo ng International Weight Lifting Federation, ang gawain ng BOC. Ipinalalagay niyang,

"Kung ihahambing ang nangakaraang Olimpiyada, pinakamalaki ang saklaw ng Beijing Olympic Games at pinakamatagumpay ang gawain ng lupong tagapag-organisa nito."

Ipinahayag ni Yao Hui na ang maalwang pagtatakbo ng mga pasilidad ng Olimpiyada ay nababatay sa pagsisikap ng mga nagtatrabaho sa unang prente ng mga pasilidad, kontribusyon ng mga boluntaryo at suporta ng mga mamamayan ng buong bansa, lalo na ng mga taga-Beijing. Sinabi niyang,

"Pumunta sa Beijing ang maraming tao na galing sa iba't ibang lugar ng buong bansa para mapanood ang mga paligsahan at nagbigay ito ng malaking suporta sa takbo ng pasilidad. Pinasisigla ang mga atleta ng mainit na pasyon ng mga manonood."

Sinabi rin niyang patuloy na pabubutihin ng BOC ang mga gawain para sa mga paligsahan sa susunod na ilang araw para ikasiya ng kumunidad ng daigdig, mga atleta na galing sa iba't ibang bansa at mga mamamayang Tsino.