Ngayong gabi, muling tumugtog ang Olympic Song sa "Bird's Nest"--National Stadium ng Tsina, at ipininid ang 16 araw na ika-29 na Summer Olympic Games.
Nitong 16 na araw na nakalipas, sa pamamagitan ng mainam na resulta, ipinakita ng mga manlalaro na galing sa 204 na bansa't rehiyon ang diwa ng Olimpiyada na "faster, higher, stronger", at ipinaliwanag ang nukleo ng Olimpiyada na "mas mahalaga ang pagsangkot kaysa panalo" sa aktuwal na aksiyon, naisakatuparan ang paghahangad ng Beijing Olympic Games ng target na "One World, One Dream".
Ngayong gabi, umabot sa tuktok ang kasiglahan ng Beijing Olympic Games, at magkakasamang ginugunita ng mga tao ang isang kahang-hangang di-malilimutang 16 na araw sa pamamagitan ng maringal na seremonya ng pagpipinid.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Liu Qi, tagapangulo ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games, na ang kasalukuyang Olimpiyada ay isang dakilang aktibidad ng palakasan, kapayapaan at pagkakaibigan. Anya,
"Nitong nakalipas na 16 na araw, ipinakita ng mga manlalaro galing sa 204 na bansa at rehiyon ng daigdig ang kanilang kahusayan at kasikapan at sinira ang 38 pandaigdigang rekord sa mga paligsahan. Ang Beijing Olympics ay nagpapakita ng pagtitiwala ng daigdig sa Tsina, binuo ng mga tao mula sa iba't ibang bansa't rehiyon, nasyonalidad at kultura ang nagkakaisa at mapagkaibigang Olympic Family at pinalalim nila ang pag-uunawaan at pagkakaibigan. Ipinatupad ng mga mamamayang Tsino ang kanilang mga pangako, isinakatuparan ang 'environment-friendly, technology-empowered at culture-enriched Olympics' at iniwan ang napakalaki at napakasaganang pamanang pangkultura at pampalakasan."
Sa kanya namang talumpati, lubos na pinapurihan ni Jacques Rogge, pangulo ng International Olympic Committee, ang natamong bunga ng Beijing Olympic Games. Anya,
"Salamat sa mga mamamayang Tsino, lahat ng mga boluntaryo at Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games. Sa pamamagitan ng kasalukuyang Olimpiyada, napalalim ang pagkakaunawaan ng Tsina at daigdig sa isa't isa. Ang bawat manlalaro ay tunay na modelo at lubos nagpapakita ng kohensibong lakas at diwang Olimpiko. Umaasa akong ipagpapatuloy ninyo ang diwang ito sa hene-henerasyon. Ang Beijing Olympic Games ay isang Olimpiyadang di-mapapantayan."
Sa seremonya, iniabot ni Guo Jinlong, alkalde ng Beijing, ang watawat Olimpik kay Rogge at iniabot ito ni Rogge kay Boris Johnson, alkalde ng London, host city ng susunod na Olimpiyada.
Pinatay ang Beijing Olympic flame at kasiya-siyang natapos ang Beijing Olympic Games.
"Faster, higher, stronger" ay ang diwa ng Olimpiyada. Nitong 16 na araw na nakalipas, pinaglabanan sa Beijing Olympic Games ang lahat-lahat 302 medalyang ginto, at nasira ang maraming rekord ng daigdig at Olimpiyada, at walang humpay na hahamunin ng sangkatauhan ang sarili nitong kasukdulan.
Halimbawa, natamo ni Liu Chunhong, manlalarong Tsino, ang medalyang ginto sa Women's 69kg Weightlifting ng Beijing Olympic Games, at tuluy-tuloy na nasira nang limang ulit ang pandaigdigang rekord.
Napasakamay naman ng isang manlalarong Amerikano na si Michael Phelps, ang walong medalyang ginto na naging manlalarong nakakuha ng pinakamaraming medalyang ginto sa kasaysayan ng Olimpiyada at manlalaro ring nakakuha ng pinakamaraming medalyang ginto sa isang Olimpiyada.
Sa Men's 100m, nasira ni Usain Bolt, manlalaro ng Jamaica, ang pandaigdigang rekord sa pamamagitan ng 9.69 seconds, sa gayo'y natupad ng sangkatauhan ang pagtakbo ng 100m sa loob ng 9.70 seconds.
Sa kasalukuyang Olimpiyada, sa kauna-unahang pagkakataon, nangunguna ang Tsina sa listahan ng medalyang ginto at ito ay pinakamainam na resulta sapul nang lumahok ang Tsina sa Olimpiyada.
Mahigit 10 libong manlalaro ang lumahok sa Olimpiyadang ito para mag-agawan ng lahat-lahat 302 medalyang ginto, sandakot na manlalaro lamang ang makakakuha ng medalyang ginto o medalya. Ngunit, aktibo pa ring nakilahok ang mga manlalaro ng iba't ibang bansa sa paligsahan, at ipinakita ang isa pang ideya ng Olympic Games na "mas mahalaga ang pagsangkot kaysa panalo".
Sa pinal na sandali, nang pumarito sa Beijing ang delegasyong pampalakasan ng Iraq na binubuo ng pitong manlalaro para lumahok sa Beijing Olympic Games, pinapalakpakan sila ng mga manonood. Sinabi ni Sarhad Fatah, opisyal na tagapagkoordina ng Iraq sa mga suliranin ng Olimpiyada, na :
"Pinag-uukulan ng mga mamamahayag na Tsino at dayuhan at mga mamamayan ng buong mundo ng pansin ang delegasyong pampalakasan ng Iraq. Bagama't napakahirap ng kasalukuyang kalagayan ng Iraq, napanaigan ng mga manlalaro ang maraming kahirapan at hadlang para lumahok sa Olimpiyada. Sa mga ito, nakaranas ang ilang manlalaro sa banta ng kamatayan at asasinasyon. Sa kabila nito, iginiit pa nila ang pagsasanay at nakilahok sa paligsahan sa ngalan ng bansa. Ipinagmamalaki sila ng mga mamamayang Iraqi, at hinahangaan din sila ng mga mamamayang dayuhan."
Si Hale Wendy, ay isa sa tatlong manlalaro na galing sa Solomon Islands. Nakilahok siya sa paligsahan ng Women's 58kg Weightlifting, naging pinakahuli siya sa puwesto. Hindi niya ikinalungkot ang resultang ito:
"Ipinagmamalaki ko ang pagkapunta sa Beijing at ang biyahe ko sa Olimpiyada. Ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa akin sa paglahok sa Olimpiyada. Mapagmalaki rin ako sa pagiging tanging manlalaro ng Solomon Islands na lumahok sa paligsahan ng Weightlifting."
Habang puspusang lumalahok sa paligsahan ang mga atleta, naisasakatuparan ang target na iniharap ng Beijing Olympic Committee na "dapat idaos ang isang Olympic Games na may katangian at sa mataas na lebel" at lubos na ipinakikita ang ideyang environment-friendly, technology-empowered and culture-enriched Olympics.
"Tiniyak kong maalwan ang pagsasagawa ng mga paligsahan. Nakita naming maganda ang mga venues ng Olimpiyada at kahanga-hanga ang mga paligsahan. Ang pinakamahalaga ay maalwan ang pag-oorganisa ng mga paligsahan. Mabuting hinahawakan ang relasyon ng mga pambansang opisiyal at pandaigdig na opisiyal at hanggang sa kasalukuyan, ikinasisiya namin ang lahat. "
Ito ay pagtaya ni Gilbert Felli, Punong Tagapagpaganap ng Olympic Games ng Lupong Pandaigdig ng Olimpiyada.
Ayon sa pagpapaliwanag ng Beijing Olympic Committee, ang mga katangian ng Beijing Olympic Games ay pangunahin na, nagpapakita sa 4 na aspekto, alalaong baga'y, katangiang Tsino, kabighanian ng kultura, kaugalian ng panahon at paglahok ng publiko. Sa Beijing Olympic Games, ipinakikita ang naturang mga katangian sa iba't ibang lugar.
Ang naririnig ninyo ay pagtatanghal sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Pinapurihan ni Gregory Mosher, Direktor ng Mapanlikhang Sentrong Artistiko ng Columbia University sa E.U. na:
"Di-mapapaniwalaang kataka-taka ang mga elementong Tsino, mula sa pagtugtog ng tambol hanggang sa bahagi ng Silk Road hanggang sa dahan-dahang pagtaas ng 5 bilog ng Olympiyada, ang lahat ng mga ito ay nag-iwan sa akin ng malalim na empresyon, maaaring makaramdam ang lahat ng mga manonood ng malalim na sence ng kasaysayan at ilang libo-taong tradisyon. "
Sa katunayan, hindi lamang maingat na pinapansin ng seremonya ng pagbubukas ang ideyang culture-enriched Olympics gayon rin ng buong Beijing Olympiyada. Halimbawa, maraming elementong Tsino ang ginamit sa Beijing seal: "dancing Beijing", Mascot at desenyo ng medalya.
Ayon sa pangako ng Beijing Olympic Committee, ang mataas na lebel ng Beijing Olympic Games ay pangunahin na, ipinakikita sa mga instalasyon sa mga venue at gawain ng pag-oorganisa ng mga kompetisyon, sereminya ng pagbubukas, mga aktibidad ng kultura, serbisyo sa mga media, pagtaya ng opinyong publiko, gawain sa seguridad, serbisyo ng mga boluntaryo at iba pa. 16 na araw na nakararaan, nadarama sa sarili ang mataas na lebel ng Beijing Olympic Games ng mga atleta, opisiyal at bisita mula sa iba't ibang bansa. Pinapurihan ni Giselle Davies, Tagapagsalita ng Lupong Pandaigdig ng Olimpiyada hinggil sa gawain ng pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games na,
"Mahusay na natapos ang lahat ng gawain ng pag-oorganisa na kinabibilangan ng pagtatanggap ng maraming lider at manonood, lubos na ikinasisiya ko ito."
Ang pagsasakatuparan ng target ng "may katangian at sa mataas na lebel" sa Beijing Olympic Games ay hindi humiwalay sa ideyang environment-friendly, technology-empowered and culture-enriched Olympics.
Sapul nang magtagumpay ang pagbibid ng Beijing Olympic Games noong 2001, naglaan ang Beijing ng 140 bilyong yuan RMB sa pangngalaga ng kapaligiran. Sa kasalukuyan, naisakatuparan na ang lahat ng pangako sa kapaligirang ginawa ng Beijing sa pagbibid. Salamat sa ideyang environment-friendly Olympics, nagiging mas maasul ang himpapawid, mas malinaw ang tubig at mas malaganap sa hanay ng mga mamamayan ang ideyang pangalagaan ang kapaligiran.
Sa proseso ng pagbibid sa Olympic Games, iniharap ng Beijing ang ideyang technology-empowered at sa kasalukuyan, ang maraming proyektong pansiyensiya at panteknolohiya ay naging totoo. Sa buong proseso ng paghahanda sa Beijing Olympic Games, ang siyensiya at teknolohiya at ideyang pansiyensiya ay ipinakita sa iba't ibang detail ng Olympic Games. Nilagom ni Wan Gang, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino at Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina na:
"Upang gawing isang dakilang pagtitipon sa palakasang may katangian at sa mataas na lebel sa kasaysayan ng Olympiyada ang Beijing Olympic Games, nagsagawa ang Tsina ng 10 mahalagang proyekto. Ang naturang mga bungang pansiyensiya at panteknolohiya na ginamit sa Olympiyada ay lilikha ng mas maraming episiyensya sa kabuhayan at lipunan. "
Noong 7 taong nakaraan, sa ulat ng International Olympic Committee hinggil sa pagtasa sa Beijing, ginamit nito ang isang pangungusap na hindi kailama'y nagamit sa kasaysayan: ang pagtangkilik ng Beijing ng Olimpiyada ay mag-iiwan ng katangi-tanging pamana sa palarong pampalakasan ng Tsina't daigdig. 7 taon na ang nakakaraan, nang lumapit sa pagpipinid ng Beijing Olympic Games, napatunayan ng Beijing sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon na totoong tinulungan ng Beijing Olympic Games ang Tsina sa pagtupad ng tagumpay ng Tsina, daigdig at palarong Olimpik.
Tulad ng pagkaunawa ni Colin Moynihan, Pangulo ng Olympic Committee ng Britanya, sa impluwensiya sa Tsina na dulot ng Beijing Olympic games na,
"Pagkaraan ng Beijing Olympic Games, patuloy na maglilinkod sa publiko ang mga de-kalidad na pasilidad ng Olimpiyada. Walang tigil na tumataas ang pag-ibig ng mga mamamayang Tsino sa palakasan at Olimpiyada. Nananalig akong dito sa Tsina, magiging mas masagana ang nilalaman ng diwang pampalakasan at tataas ito sa isang bagong antas."
Ipinalalagay naman ni Ginoong Gerhard Heiberg, Pangulo ng Marketing Commission ng International Olympic Committee na,
"Pagkatapos ng Olimpiyada, makakahikayat ang Tsina ng mas maraming turista at uunlad nang masagana ang kabuhaya't industrya nito. Sa pangmalayuang pananaw, hindi lamang ang Beijing, kundi rin ang buong Tsina ay makikinabang dito."
Noong 7 taong nakalipas nang magbid ang Beijing sa Olimpiyada, ipinangako nitong ipagkaloob sa mga kabataang Tsino ang edukasyon at magandang halimbawa hinggil sa palarong Olimpik. Sa kasalukuyan, mahigit 400 milyong kabataang Tsino ang nakisangkot sa leksiyong may kinalaman sa Olimpiyada. Ipinalalagay ni Ginang Flor Isava-Fonseca, komisyoner na pandangal ng International Olympic Committee na,
"Ito ay isang napakagandang pagkakataon para sa Tsina. Makikita ng mga tao kung papaanong magbabago ang pumumuhay na panlipunan ng Tsina dahil dito. Nagbukas ang Tsina ng pinto sa 204 na bansa't rehiyon sa daigdig. Nagtitipon-tipon nang walang pagkakaiba ang mga mamamayang Tsino, Europeo, Aprikano at Amerikano at magkakapatid at magkakaibigan sila. Makikinabang nang malaki sa ganitong karanasan ang paglaki ng katawan at isip ng mga kabataang Tsino. Ito ang pinakamahalagang pamanang naiwan ng Olimpiyada sa Tsina."
Ang naririnig ninyo ang isang awit sa wikang Tsino--"Ang puso kong nagmamahal ng Tsina" na inawit ng Kayamba Africa, koro galing sa Kenya. Pinakikinabangan ng Tsina at maging ng buong daigdig ang Beijing Olympic Games. Bago o makalipas ang Olimpiyada, nagtipun-tipon dito sa Beijing ang halos sampung libong artista mula sa mahigit 80 bansa't rehiyon sa daigdig at nagsagawa ng 227 iba't ibang uri ng magandang palabas, pagtatanghal at aktibidad na kultural na may mayamang nilalaman, bagay na hindi lamang nagpalakas ng pagpapalita't pag-uugnayan ng iba't ibang kultura, kundi nagpalalim din ng pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Napakahalaga rin ng katuturan ng Beijing Olympic Games para sa palarong Olimpik mismo. Pinakamahaba ang tagal ng panahon, pinakamalawak ang saklaw, pinakamarami ang mga kasangkot na tao ng Beijing Olympic torch relay sa kasaysayan ng Olimpiyada. Mahigit sampung libong manlalaro mula sa 204 bansa't rehiyon ang lumahok sa paligsahan na naging rekord sa bilang ng mga kalahok na delegasyon at manlalaro ng Olimpiyada; mahigit 30 libong mamamahayag ang nagsagawa ng pagkokober sa Beijing Olympic Games na naging rekord ng pagkokober ng Olimpiyada at 4 bilyong tao sa buong daigdig ang nanonood sa Olympics na naging rekord rin sa bilang ng mga manonood ng Olimpiyada, bagay na nagpataas nang malaki ng impluwensiya ng palarong Olimpik.
Beijing Olympic Games, isang dakilang pagdaop-kamay ng palarong Olimpik at kultura ng Nasyong Tsino na kapuwa may mahabang kasaysayan, isang mainit na pagyakap ng kultura ng Tsina't iba pang bansa sa daigdig at marubdob na diyalogo ng sibilisasyong kanluranin at silanganin.
Maikli ang 16-araw na paligsahan ng Beijing Olympic Games, pero pangmalayuan ang pagkakaibigan na nilikha sa 16-araw na ito. Saan man ka galing, saan man ka magsadya, magkakapamilya kami magpakailanman.
Para sa isang mundo, para sa isang pangarap, magtitipun-tipon kami sa 2012 London Olympic Games.
Magkikita tayo, pakaraan ng 4 na taon.
|