Ang talagang hindi ko makakalimutan ay iyong maayos na paghahanda ng Beijing lalo na noong ilang buwan na lang bago mag-Olympics. Matatandaang sinalubong ang China ng ilang kalamidad at pangyayaring naglagay ng sagabal sa ginagawang Olympic preparations pero nalusutan din nito lahat at naisagawa ang plano nito para sa fantastic opening ng Olympics.
Chin Chin Fulgencio
Kahit matapos ang Olympics, hindi rin mawawala sa isip ko ang magandang larawan ng Olympic venues na tulad ng Bird's Nest, Olympic Village, makabagong gymnasiums at iba pang structures na sadyang itinayo para sa Olympics. Hindi ko alam kung matutularan ito sa mga susunod na Olympics.
Pomett Ann Sanchez Manila
Sa tingin ko, magiging memorable ang Olympics na ito dahil iba ang paglalaro rito ng Chinese athletes. Maaga pa ay humamig na sila ng mga medalyang ginto. Nakita ko sa kanila ang kakaibang kasiglahan at malaking determinasyon na makapagbigay ng honor sa bansa.
Baby Rose Jimenes Manila
|