• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-26 10:55:18    
Espesyal na interview sa puno ng Singapore Sports Council

CRI

Sa katatapos na Beijing Olympic Games, ang delegasyong pampalakasan ng Singapore ay nagkaroon ng breakthrough sa kasaysayan, natamo ng koponang babae ng Ping-Pong na binubuo nina Li Jiawei, Feng Tianwei at Wang Yuegu ang medalyang pilak. Sapul noong 1960 Roman Olympic Games, ito ang kauna-unahang medalyang nakuha ng Singapore sa Olimpiyada. Si Tao Li, manlalaro ng Women's 100 Butterfly Swim, ay nanalo sa semi finals. Bukod dito, sa Beijing Olympic Games, lumikha ang maraming manlalaro ng Singapore ng kani-kanilang sariling rekord sa kasaysayan. Kamakailan, kinapanayam si Oon Jin Teik, puno ng Singapore Sports Council, ng mga mamamahayag ng CRI.

Ang mga magandang pagpapakita ng mga manlalaro ng Singapore ay lubos na ikinasisiya ni Oon Jin Teik. Bilang isang opisyal na may malalim na pagkaunawa sa palakasan, alam niyang ang mabuting resulta ay hindi nauukol lamang sa pagsisikap ng isang tao. Sinabi niyang:

"Siyembre dapat ipagdiwang namin ang tagumpay. Sa pamamagitan ng pag-alaala ng mga mahusay na manlalaro, mag-aalaala ng iba pang taong nagsikap para rito, na gaya ng mga tagasanay, opisyal, doktor at tagapagtaguyod."

Ipinahayag naman ni Oon Jin Teik na matagumpay ang pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games, malakas ang puwersa ng paggarantiya ng lohistiko, komprehensibo ang serbisyo at maganda ang mga venues at ang mga ito ay nakakabuti sa mas mabuting pagtitingkad ng mga manlalaro ng kanilang lebel. Sinabi niyang:

"Gusto kong gamitin ang isang salitang 'WOW' para ituring ang Beijing Olympic Games. Ang lahat ay perfect. Bumati ako sa Lupon Tagapag-organisa ng Beijing para sa ika-29 na Olimpiyada o BOCOG at pamahalaang munisipal ng Beijing. Mahusay ang kanilang ginawa."

Binigyan ni Oon Jin Teik ng mataas na pagtasa ang mataas na kalidad ng mga manonood na Tsino bilang punong-abala. Sa paligsahan ng Ping-Pong sa pagitan ng Tsina at Singapore, nag-cheer-up ang mga manonood hindi lamang para sa koponang Tsino, kundi para sa koponang Singapore. Naantig siya rito.

Ipinalalagay ni Oon Jin Teik na hindi lamang ang Beijing at Tsina ang dapat magmalaki sa natamong tagumpay ng Beijing Olympic Games, kundi ang buong Asya. Bukod dito, itinatag ng tagumpay ng Beijing Olympic Games ang tunguhing masiglang pag-unlad ng palakasan sa Asya. Sa 2010, idaraos sa Singapore ang kauna-unahang Youth Olympic Games o YOG na lalahukan ng mga manlalaro mula noon 14 na taong gulang hanggang 18 taong gulang. Sa panahon ng pagdaraos ng YOG, itataguyod din ang mga aktibidad ng pag-aaral at kultura. Nagkaloob ang Beijing Olympic Games ng mabuting pagkakataon para sa YOG. Bilang miyembro ng Lupon ng Tagapag-organisa ng YOG, itinuturing ni Oon Jin Teik ang Beijing Olympic Games na isang mabuting pagkakataon para sa pag-aaral ng Singapore ng karanasan ng pag-oorganisa ng malakihang paligsahang pampalakasan. Sinabi niyang:

"Nag-aaral sa Beijing ang isang malaking grupo namin mula sa BOCOG, at naunawaan namin ang maraming detalye sa pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games. Natuto kami ng maraming karanasan sa mga masusing larangan gaya ng pamamahala sa mga boluntaryo. Nakipagpalitan naman kami sa mga grupong namamahala sa takbo ng mga Olympic Venues at nagturo sila sa amin ng mga detalye, teknolohiya at pag-iistandardisa. Gagamitin namin ang mga ito sa Youth Olympic Games."