Ipininid na ang Beijing Olympic Games. Bukod sa mga paligsahan, ang matandang lunsod ng Beijing ay nag-iwan ng napakalalim na impresyon sa mga atleta mula sa iba't ibang bansa't rehiyon sa daigdig. Sa tingin ni Ginang Philailak Sakpaserth, atletang Lao sa Women's 100m Race na maaaring magsalita ng ilang wikang Tsino, katangi-tangi ang panghalina ng Beijing. Sa programa ngayong gabi, maririnig ninyo ang paglarawan niya sa iba't ibang aspekto ng Beijing.
Sinabi ni Philailak na sa panahon ng kanyang pananatili sa Beijing, hindi lamang siya lumahok sa mga palarong pampalakasan, kundi nalaman niya rin nang mas malalim ang kasiglahan ng lunsod na ito at mga masigasig na mamamayan dito.
"Ang mga mamamayan ng Beijing ang siyang nag-iwan sa akin ng pinakamalalim na impresyon. Datapuwa't kakaunti ang pagpapalitan namin sa salita, nakakaramdam ako ng kasigasigan nila, lalong lalo na, ng mga taxi driver. Sa ilang okasyon, pagpasok ko sa taksi at pagkasabi sa driver ang destinasyon ko, hindi nila naintindihan ang sabi ko dahil di-maliwanag ang bigkas ko sa wikang Tsino, pero pagkaraan ng ilang beses na hula, nalaman nila ang gusto kong sabihin at hinahati ako sa destinasyon ko. Pinakamabuti sila sa mga taxi driver na nakita ko."
Tulad ng ibang kaibigang dayuhan, bago pumunta sa Beijing, di-kabisado ni Philailak ang Beijing at ang karamihan ng pagkaalam niya ay galing sa TV programme. Pero nalaman niya ngayon na ang Beijing ay hindi tulad ng sa guniguni.
"Bago ang Olimpiyada, ipinalalagay kong di-maayos ang kalagayan ng komunikasyon ng Beijing, dahil malaki ang populasyon nito. Pagkaraang pumarito, natuklasan kong walang anumang problema ang komunikasyon dito at maginhawa ang lagay ng trapiko saan man. Napakahusay ng subway ng Beijing, iniuugnay nito ang halos buong kalunsuran at may radyo't posteng nagtuturo sa wikang Ingles sa loob ng subway, masyadong maginhawa para sa akin."
Intersadong intersado rin ang naturang atletang Lao sa mga kilalang tourist spots at historical sites. Pagkatapos ng kanyang paligsahan sa Olimpiyada, naglakbay siya sa Imperial Palace at Great Wall at binigyan ng mataas na papuri ang mga ito.
"Kahima-himala ang Great Wall, talagang hindi ko nailarawan sa isip na kung papaano itinayo ng mga mamamayang Tsino ang ganitong dakilang himala. Sa TV ko lamang nakikita dati ang Tiananmen Square at Imperial Palace, napakaselan at napakahusay ng kakayahan ng mga craftsman sa sinaunang panahon at matalino sila."
Matagal nang gusto ni Philailak na bumisita sa panda ng Tsina. Sa kanyang pananatili sa Beijing, pinaplano niyang magsadya sa Beijing Zoo para tingnan ang panda doon. Dahil maagang umuwi sa Laos ang kanyang delegasyon, hindi siya nakabisita sa su, pero salamat sa Fuwa Beibei, hindi niya ito ikinalulungkot. Sinabi niya na,
"Nanood ako sa programa ng TV hinggil sa panda, kaibig-ibig sila at minamahal ko sila. Datapuwa't hindi ko nakita ang tunay na panda sa aking biyahe sa Beijing, bumili ako ng ilang Fuwa Beibei. Pagkaraang umuwi, ilalagay ko sila sa harapan ng kama ko para makita ang kaibig-ibig na panda araw araw."
Sa wakas ng panayam, sinabi ni Ginang Philailak na nag-iwan ang Beijing ng magandang impresyon sa kanya, tulad ng sabi niya na,
"Napaibig ako ng Tsina at umaasa akong muling makaparito kung may pagkakataon"
|