• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-26 10:55:59    
Olimpik ay isang diwa

CRI
Ipininid noong ika-24 ng buwang ito sa Beijing ang ika-29 na Olimpiyada at noong panahon nito, nagtipon dito ang mga manlalarong galing sa mahigit 200 bansa at rehiyon para magpaligsahan sa isa't isa at magpalitan ng kahusayan para makadama ang mga tao ng mayamang diwang kultural ng Olimpik nang sabayang madama ang kasidhian at kulay ng mga paligsahan.

Ang temang awit na "You and Me" ng seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games na inawit nina Sarah Brightman at Liu Huan, mga mng-aawit ng Britanya at Tsina. Kahit ipininid ang Olimpiyada, ang nabanggit na magandang awit ay nagpapakita lamang sa mga tao ng may harmonyang kagandahan ng diwa ng Olimpik.

Bilang kilalang islogan ng kilusan ng Olimpiyada, ang "mas mabilis, mas mataas at mas malakas" ay nagpapakita ng diwang pampalakasan nito, nagpapasigla sa mga manlalaro na mahamon sa kanilang sarili at hanapin ang pag-asenso at breakthrough at lubos na nagpapakita ng paghanap ng kilusan ng Olimpiyada na walang humpay na sumulong at hinding hindi makontento. Noong panahon ng Olimpiyada, ang mga bagong pandaigdig na rekord at breakthrough ay nagpapakita sa mga tao ng kulay ng Olimpiyada sa paghahanap ng kahusayan.

Noong ika-17 ng buwang ito sa Water Cube, napasakamay ni Michael Phelps, manlalaro ng Eatados Unidos, ang kanyang ika-8 medalyang ginto sa paligsahan ng paglangoy at tinupad ang kanyang pangarap ng pagkuha ng 8 medalyang ginto sa Olimpiyadang ito. Nang tugtugin ang pambansang awit ng E.U., umaalingawngaw ang palakpakan doon, dahil ang diwa ni Phelps sa paghahanap ng perpekto ay nabibilang, hindi lamang sa kanyang sarili at bansa, kundi sa buong daigdig. Masasabing sa espesyal na katuturan, nagkakaisa ang paghahanap ng buong sangkatauhan sa katapatan, kabaitan at kagandahan.

Ang "kapayapaan, pagkakaisa, pagkakaibigan at pag-asenso" ay layon ng kilusan ng Olimpiyada na iniharap ni Pierre De Coubertin, ama ng modernong Olimpik at ito ay hindi lamang nagiging ubod ng diwang kultura ng Olimpik, kundi kumakatawan sa komong target na inaadhika at hinahangad ng buong sangkatauhan. Noong panahon ng Olimpiyada, ang mga nakakaantig na tagpo ay nagpapakita sa mga tao ng kulay ng diwang kultural ng Olimpik.

Maging kualipikado ang Iraq na lumahok sa Olimpiyada nang 10 araw lamang bago buksan ang Olimpiyada. Hindi itinakwil ng mga manlalarong Iraqi sa kabila ng kalagayang maligalig. Nang lumitaw ang delegasyong Iraqi sa seremonya ng pagbubukas ng Olimpiyada, binigyan sila ng mga manonood ng pinakamainit na pinapalakpakan. Sinabi ni Dana, atletang Iraqi, na ang pinakapangunahin ay pagsangkot sa Olimpiyada sa ngalan ng kaniyang bansa sa halip ng tagumpay sa Olimpiyada.

Ang mas mahalaga'y pagtatakwil ng kontradiksyon, pagdaop-palad sa isa't isa at pagsangkot sa halip ng medalya at ito'y diwa ng Olimpiyada. Sinabi ni propesong Huang Yaling ng Beijing Sport University na

"Ang pangunahing diwa ng kilusan ng Olimpiyada ay nagpapakita sa pagpapasulong ng kapayapaan, pagkakaisa, pagkakaibigan at pag-asenso ng daigdig. Sa pamamagitan ng Olimpiyada, nagtipon ang buong sangkatauhan sa iba't ibang lahi, relihiyon, kulay ng balat, wika at bansa para maunawaan sa isa't isa at mapasulong ang kanilang pagkakaibigan at pagkakaisa. Ito talaga'y pagpapakita ng diwa ng Olimpik."

Nitong ilang taong nakalipas, dumarami nang dumarami ang pagpapalitang pampalakasan ng Tsino at ibayong dagat, hinirang ng mga koponang Tsino ang mga dayuhan bilang pinakapangunahing tagasanay nila at kasabay nito, ang mga kagalingang manlalarong Tsino ay hinirang ng mga koponang dayuhan bilang kanilang pinakapangunahing tagasanay. Ang mga ito'y nagpapakita sa mga tao ng dakilang diwa ng pangingibabaw ng Olimpik ng hanggahan ng bansa at lahi.

Kaugnay nito, sinabi ni Huang na

"Sa proseso ng pag-unlad ng modernong palakasan, gayunman palagiang iniharap namin na ang kompetisyon ay diwa ng palakasan at paghahanap ng sangkatauhan sa target na mas mabilis at mataas, sa kasalukuyan, mas maluwag ang loob ng mga tao sa pakikipagtunguhan sa ilang insidente at resulta ng paligsahan. Sa palagay ko, ito'y pagpapakita ng kaunlaran at sibilisasyon ng lipunan."

Ang kulay ng Olimpik ay nakakasalalay sa mayamang nilalamang kultural nito at ang katagalan nito ay nakakasalalay sa paghahatid nito ng magandang ambisyon at hangarin ng sangkatauhan. Ang Beijing Olympic Games ay, walang duda, ibayo pang nagpatingkad ng diwa ng Olimpik.